DISYEMBRE 4, 2020
ERITREA
Pinalaya sa Eritrea ang 28 Saksi ni Jehova
Noong Disyembre 4, 2020, pinalaya sa Eritrea ang 26 na brother at 2 sister na nabilanggo dahil sa kanilang pananampalataya. Nakulong sila nang mula 5 taon hanggang 26 na taon. Hindi nila itinakwil ang pananampalataya nila at katapatan sa Diyos na Jehova. Bilang magkakapatid sa buong mundo, masaya tayo sa pangyayaring ito. Pero patuloy nating ipapanalangin ang 24 na kapatid na nakabilanggo pa rin sa Eritrea.—Gawa 12:5.