Pumunta sa nilalaman

Landslide sa Fukushima prefecture pagkatapos lumindol sa hilagang-silangang Japan

PEBRERO 23, 2021
JAPAN

Niyanig ng Magnitude 7.3 na Lindol ang Hilagang-Silangang Japan

Niyanig ng Magnitude 7.3 na Lindol ang Hilagang-Silangang Japan

Lokasyon

Hilagang-silangang Japan, pangunahin na ang Fukushima at Miyagi prefecture

Sakuna

  • Dahil sa magnitude 7.3 na lindol noong Pebrero 13, 2021, nawalan ng kuryente at tubig sa ilang lugar. Marami sa mga naapektuhang lugar ang dati nang napinsala ng magnitude 9.0 na lindol noong 2011

Epekto sa mga kapatid

  • 11 kapatid ang nasugatan

  • Maraming kapatid ang pansamantalang nawalan ng kuryente o tubig

Pinsala sa ari-arian

  • 10 Kingdom Hall ang bahagyang nasira

  • 205 bahay ang bahagyang nasira

  • 13 bahay ang nagkaroon ng malaking pinsala

Relief work

  • Naglalaan ng pampatibay ang mga tagapangasiwa ng sirkito at mga elder doon sa mga kapatid habang sumusunod sa mga safety protocol ng COVID-19

  • Inaalam ng mga field representative at mga boluntaryo mula sa Local Design/Construction kung gaano kalaki ang nasira sa mga Kingdom Hall at mga bahay

Dalangin natin na patuloy sanang palakasin ni Jehova ang mga naapektuhan ng lindol na ito.—Filipos 4:13.