Pumunta sa nilalaman

HULYO 3, 2014
MEXICO

Mga Saksi Nakibahagi sa 2014 Expo ng mga Aklat at Magasin sa Mexico City

Mga Saksi Nakibahagi sa 2014 Expo ng mga Aklat at Magasin sa Mexico City

MEXICO CITY—Kasama ang mga Saksi ni Jehova sa 150 tagapaglathala na nakibahagi sa unang Expo Publica Book Fair na inorganisa ng National Chamber for the Mexican Publishing Industry (CANIEM). Ang expo, na ginanap sa World Trade Center sa Mexico City noong Abril 25 hanggang Mayo 4, 2014, ay idinaos para sa ika-50 anibersaryo ng CANIEM. Mga 20,000 katao ang dumalo sa expo.

Idinispley ng mga Saksi ang iba’t iba nilang aklat, magasin, at video na salig sa Bibliya. Itinampok din nila ang kanilang opisyal na website, www.mr1310.com, kung saan mada-download ang kanilang mga publikasyon sa mahigit 650 wika. Kumuha ang mga bisita ng mahigit 1,600 literatura ng mga Saksi, at ang ilan ay nag-request na dalawin sila sa kanilang bahay. Gaya ng karaniwang ginagawa ng mga Saksi ni Jehova, ang lahat ng literatura at pantahanang pag-aaral sa Bibliya ay inilaan nang libre para sa mga dumalo sa expo.

Si Gamaliel Camarillo, isang tagapagsalita ng mga Saksi ni Jehova sa Mexico, ay nagsabi: “Natutuwa kami dahil napakaraming tao ang pumunta sa aming stand sa expo, at nagpakita sila ng interes sa Bibliya at sa aming website na jw.org. Itinuturing naming isang serbisyo publiko ang paglalaan ng ganitong praktikal na impormasyon sa mga taong abalá, kung gusto nila. Para sa amin, ang pakikibahagi namin sa expo ay isang malaking tagumpay.”

Media Contacts:

International: J. R. Brown, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000

Mexico: Gamaliel Camarillo, tel. +52 555 133 3048