Pumunta sa nilalaman

Si Sister Anna Safronova

ENERO 28, 2022
RUSSIA

UPDATE | Anna Safronova, Nahatulang Makulong Nang Anim na Taon sa Penal Colony

Pinakamalupit at Pinakamahabang Hatol sa Isang Sister Mula Nang Ipatupad ang Pagbabawal Noong 2017

UPDATE | Anna Safronova, Nahatulang Makulong Nang Anim na Taon sa Penal Colony

Noong Abril 14, 2022, ibinasura ng Astrakhan Regional Court ang apela ni Sister Anna Safronova. Mananatili siyang nakabilanggo.

Noong Enero 25, 2022, hinatulan ng Trusovskiy District Court sa Astrakhan Region na nagkasala ang 56-anyos na si Anna, at sinentensiyahang makulong nang anim na taon sa isang penal colony. Agad siyang ikinulong.

Time Line

  1. Mayo 28, 2021

    Sinampahan ng kasong kriminal

  2. Hunyo 2, 2021

    Hinalughog ng mga awtoridad ang bahay kung saan siya nakatira kasama ng nanay niya na 81 taóng gulang. Ikinulong si Anna

  3. Hunyo 3, 2021

    Pinalaya sa kulungan pero inilagay sa house arrest. Puwede lang siyang umalis ng bahay para maglakad nang isang oras araw-araw mula 9:00 a.m. hanggang 10:00 a.m.

  4. Hunyo 10, 2021

    Isinama sa listahan ng mga ekstremista at hindi pinayagang maka-withdraw ng pera niya sa bangko

  5. Enero 24, 2022

    Sinabi niya sa harap ng korte: “Tinuruan ni Jesus ang mga tagasunod niya sa Mateo 5:44 na ‘mahalin ang inyong mga kaaway at ipanalangin ang mga umuusig sa inyo.’ Bakit? Kasi maraming mang-uusig ang naging mga mananamba ni Jehova.

    “Talagang umaasa ako na sana, mayroong kahit isang opisyal ng FBS, imbestigador, security guard, abogado, at iba pa na nakakarinig sa akin at nakakakita sa paggawi ko na magbago ng saloobin sa mga Saksi ni Jehova . . . Kahit isa man lang sana sa kanila ang magbasa ng Bibliya, maghanap ng sagot sa mga tanong nila, magnais na makilala ang Diyos, o maging lingkod pa nga niya.”

  6. Enero 25, 2022

    Nahatulang nagkasala at nasentensiyahang makulong nang anim na taon

Profile

Napapatibay tayo ng tapat na halimbawa ng ating mga kapatid sa Russia at Crimea habang nagtitiwala tayong papalakasin tayo ng ating Ama sa langit para makapagtiis.—2 Tesalonica 1:4.

a Isinagawa ang interbyu bago ang sentensiya niya.