Pumunta sa nilalaman

Si Sister Danusha Santhakumar (kaliwa), isang special pioneer, na gumagamit ng visual aid sa Bible study. Sina Brother at Sister Modaragamage (kanan), mag-asawang Bethelite sa Sri Lanka, na nagba-Bible study gamit ang video call

MAYO 6, 2020
SRI LANKA

Matagumpay na Nakapangaral ang mga Kapatid sa Sign Language Kahit Naka-lockdown

Matagumpay na Nakapangaral ang mga Kapatid sa Sign Language Kahit Naka-lockdown

Para malabanan ang pagkalat ng COVID-19, maraming bansa ang nag-lockdown, kasama na rito ang Sri Lanka. Dahil dito, ginagamit ng mga kapatid sa sign language ang teknolohiya para makapangaral sa mga pipi at bingi, pati na sa mga may problema sa pandinig.

Si Sister Vihanga Fernando, isang payunir, ay nagle-letter writing para mangaral. Dahil hirap ang mga bingi na makaintindi ng nakasulat na mga salita, nagdodrowing siya ng mga larawan para maituro ang mga katotohanan sa Bibliya.

Ipinapaliwanag ni Sister Fernando ang tungkol sa pangalan ni Jehova gamit ang mga drowing at ang Sinhala language

Iniisip ni Sister Rosie Chithravelautham na hindi siya makakapag-Bible study gamit ang videoconference. Sinabi niya: “Kapag nagbi-videoconference kasi ako, mahina ang signal kaya nahihirapan ang kausap ko na maintindihan ang senyas ko.” Pero gusto pa rin ni Rosie na makapangaral kahit may pandemic. Kaya sinubukan niya ito ulit. Naipagpatuloy niya ang tatlong Bible study niya, at dumadalo na sila ngayon gamit ang videoconference.

Si Sister Nirosha Shiranthi, isang pipi na kababautismo lang noong Marso 2020, ay takot na mangaral gamit ang video call. Ipinanalangin niya ito kay Jehova. Pagkatapos, nag-apply siya bilang auxiliary pioneer noong buwan ng Memoryal. Marami ang tumanggap sa imbitasyon ni Nirosha na manood ng pahayag sa Memoryal, at marami sa kanila ang gusto pang matuto tungkol sa tanda ng mga huling araw. Kaya nagkaroon siya ng pito pang Bible study. Sinabi niya: “Masayang-masaya ako kapag nangangaral. Kahit hindi kami makalabas ng bahay, nakakapangaral pa rin kami. Laging nagtatagumpay ang mga layunin ni Jehova.” Kaya tuloy-tuloy ang pag-o-auxiliary pioneer ngayon ni Nirosha.

Masaya tayo sa magagandang karanasang ito sa Sri Lanka. Dahil sa mga pagsisikap na ito ng mga kapatid na nasa sign language, napapapurihan nila si Jehova.—Awit 113:1.