DOMINICAN REPUBLIC
Dating Militanteng Ateista, Ngayo’y Lingkod Na ng Diyos
Juan Crispín
-
ISINILANG 1944
-
NABAUTISMUHAN 1964
-
Isang dating ateista na 50 taon nang tapat na naglilingkod kay Jehova.
NOONG kabataan ko, nadismaya ako sa pagkakapootan sa relihiyon. Hindi ko rin maintindihan kung bakit hinahayaan ng Diyos ang kahirapan at kawalang-katarungan, o kung bakit napakaraming taong relihiyoso ang hindi sumusunod sa Bibliya. Dahil dito, naging ateista ako at naniwalang politikal na rebolusyon lang ang solusyon sa kaguluhan sa mundo.
Noong 1962, nagsimula akong magbasa ng magasing Gumising! At noong 1963, pumayag akong makipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova. Malaki ang naging epekto sa akin ng mga natutuhan ko. Naunawaan kong hindi Diyos ang dapat sisihin sa kalupitang ginagawa ng iba’t ibang grupo ng relihiyon at na mayroon siyang maibiging layunin para sa sangkatauhan. Dalawang buwan mula nang magsimula akong makipag-aral ng Bibliya, ibinahagi ko sa iba na ang Kaharian ng Diyos ang papalit sa masamang sistemang ito ng mga bagay.
Nabautismuhan ako noong 1964, at noong 1966, naatasan naman ako bilang special pioneer. Naniniwala ako na iniligtas ng katotohanan ang buhay ko, dahil marami sa mga kabataang militante na nakasama ko ang namatay sa marahas na paraan, nabilanggo, o napilitang tumakas ng bansa. Nagpapasalamat ako kay Jehova na binago niya ako mula sa pagiging ateista na walang pag-asa tungo sa pagiging lingkod ng Diyos, na nangangako ng matuwid na bagong sanlibutan.