Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

INDONESIA

Sumunod Kami at Naligtas!

Blasius da Gomes

Sumunod Kami at Naligtas!
  • ISINILANG 1963

  • NABAUTISMUHAN 1995

  • Isang elder na nagmalasakit sa kawan noong panahon ng kaguluhan sa Ambon, bahagi ng Maluku Islands.

NOONG Enero 19, 1999, nauwi sa karahasan ang tensiyon sa pagitan ng Muslim at Kristiyano. Mga tatlong kilometro lang iyon mula sa amin. Kalunos-lunos ang naging sitwasyon. *

Nang matiyak kong ligtas na ang pamilya ko, tinawagan ko ang ibang mamamahayag para kumustahin. Pinayuhan ko sila na manatiling kalmado at umiwas sa mga delikadong lugar. Di-nagtagal, dinalaw ng mga elder ang kawan para patibayin at pasiglahing idaos sa maliliit na grupo ang mga pulong.

Tinagubilinan kami ng tanggapang pansangay na ilikas ang mga mamamahayag na nasa delikadong lugar, at ipinaalam namin iyon sa maraming pamilya. Isang brother na tumangging lumikas ang pinatay ng isang armadong grupo. Pero ang lahat ng sumunod sa tagubilin mula sa tanggapang pansangay ay naligtas.

^ par. 1 Nanalasa ang kaguluhang iyon sa buong probinsiya ng Maluku at tumagal nang mahigit dalawang taon. Libo-libo ang napilitang lumikas sa kanilang tahanan.