Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

INDONESIA

Nakaligtas Nang Mag-alsa ang mga Komunista

Ronald Jacka

Nakaligtas Nang Mag-alsa ang mga Komunista
  • ISINILANG 1928

  • NABAUTISMUHAN 1941

  • Naging lingkod ng sangay sa Indonesia sa loob ng mahigit 25 taon.

MAAGA noong Oktubre 1, 1965, anim na prominenteng heneral ang pinaslang ng grupong iniuugnay sa Indonesian Communist Party (PKI) dahil sa tangkang kudeta. Agad namang bumuwelta ang gobyerno. Mga 500,000 pinaghihinalaang komunista ang walang-awang pinatay sa itinuturing na “pagkahaling sa karahasan” ng buong bansa.

Ilang linggo matapos ang nabigong kudeta, isang mataas na kumander ng militar ang nagsabing una ako sa listahan ng mga lider ng relihiyon na papatayin sana ng mga komunista. Gusto nga niyang ipakita sa akin ang hukay na paglilibingan ko, pero magalang akong tumanggi. Sa gitna ng matinding tensiyon sa politika, hindi ko gustong makitang kasama niya at malagay sa alanganin ang reputasyon ko bilang neutral na Kristiyano.