PANGANGARAL AT PAGTUTURO SA BUONG LUPA
Oceania
-
LUPAIN 29
-
POPULASYON 40,642,855
-
MAMAMAHAYAG 98,353
-
PAG-AARAL SA BIBLIYA 66,022
Binigyan ng Lakas ng Loob
Nakatira sa Australia ang 12-anyos na si Emily. Isang araw, ipinaliliwanag ng teacher niya sa klase ang kahalagahan ng pagpili ng mabubuting kaibigan. Kaya ipinakita ni Emily sa teacher niya ang whiteboard animation na Ano ang Tunay na Kaibigan? Nang ipapanood ng teacher sa klase ang video, tutók na tutók ang mga estudyante. Nang matapos ang video, isang oras nilang pinag-usapan iyon. Ipinapanood din ng teacher ang video sa iba pang mga klase. Pagkatapos, sinabi ni Emily sa kaniyang teacher at mga kaklase ang tungkol sa jw.org. “Binigyan ako ni Jehova ng lakas ng loob na ipaalam sa daan-daang estudyante ang tungkol sa website,” ang sabi ni Emily. “Talagang tinulungan niya ako.”
Trade Fair na Malayo sa Kabihasnan
Limang mamamahayag ang naglakbay nang siyam na oras sa bako-bakong daan sa kabundukan para maglagay ng literature stand sa isang trade fair sa Suai, Timor-Leste. Gulát na gulát ang mga lumapit sa stand nang makita nila ang mga literatura sa Bibliya sa 12 wika ng mga tagaroon. Iilang babasahin lang kasi, o baka wala pa nga, ang nakalimbag sa mga wikang iyon. Nakita ng isang babae ang pamagat ng isang brosyur at napasigaw, “Aba, wika ko ’yan!” Iyon ang unang pagkakataong nakabasa siya ng literatura sa wikang Bunak, ang sarili niyang wika. Sa loob lang ng apat na araw, nakapamahagi ang mga mamamahayag ng 4,571 literatura at napakarami ang humiling na dalawin sila sa kanilang bahay. Karamihan sa mga interesadong iyon ay noon lang nakakilala ng mga Saksi ni Jehova. Ilang oras na pinanood ng mga bata ang mga video mula sa seryeng Maging Kaibigan ni Jehova sa wikang Tetun Dili. Nakabisado pa nga ng ilang bata ang mga kanta sa seryeng iyon at masaya nilang inawit ang mga iyon.
“Ang Talagang Kailangan ng mga Estudyante”
Ang mga misyonerong sina Brian at Roxanne ay humingi ng permisong maglagay ng literature cart sa isang kolehiyo sa isla ng Palau. Nakipag-usap sila sa presidente ng kolehiyo at ipinakita ang isang video sa jw.org tungkol sa ating pampublikong pagpapatotoo. Nag-iwan din sila ng sampol ng mga literaturang ididispley nila sa cart. Sinabi ng presidente kina Brian at Roxanne na dapat silang
makipag-usap sa direktor ng student relations. Matapos makausap ang direktor, sinabi nito na may isa pa silang dapat kausapin, ang dean ng kolehiyo.“Maganda ang pag-uusap namin ng dean,” ang sabi ni Brian, “pero pinababalik niya kami sa opisina ng presidente, at dito, pinagawa kami ng liham na humihingi ng permisong maglagay ng literature cart. Medyo nadismaya kami dahil parang pinagpapasa-pasahan nila kami. Pero sumulat pa rin kami.”
Para ma-follow up ang sulat, pinuntahan ulit nina Brian at Roxanne ang dean, pero hindi na sila umaasa. “Gulát na gulát kami,” ang sabi ni Brian, “nang sabihin ng dean na
binasa niya ang mga aklat na iniwan namin at napakaganda raw ng mga ito. Sinabi niyang iyon ang talagang kailangan ng mga estudyante.” Pumayag ang kolehiyo!Ang sabi pa ni Brian: “Sinabi sa amin ng direktor ng student relations na puwedeng ihatid ang mga estudyanteng nakatira sa mga dormitoryo sa gusto nilang simbahan tuwing Linggo. ‘Kung gusto nilang pumunta sa inyong simbahan,’ ang sabi niya, ‘puwede namin silang ihatid do’n.’ Natigilan kami ni Roxanne. Imbes na tumanggi sa aming request, sila pa ang nag-alok na ihatid ang mga estudyante sa Kingdom Hall!”
Noong unang araw na ilagay nina Brian at Roxanne sa kampus ang literature cart, nakapag-place sila ng 65 aklat, 8 magasin, at 11 brosyur. Marami rin silang nakausap na mga estudyante. Pinababalik pa nga ng dean at ng direktor ng student relations sina Brian at Roxanne.
Pinanonood ng mga Kostumer ang Ating mga Video
Si Lipson, isang Bethelite sa sangay sa Solomon Islands, ay pauwi na noon galing sa pangangaral. Habang naglalakad, nakarinig siya ng Kingdom song mula sa loob ng isang tindahan. Na-curious siya kaya pumasok siya. Nagulat siya nang makita niya ang isang grupo ng mga bata at mga adulto habang pinanonood sa TV ang video ng awit 55, “Walang-Hanggang Buhay—Sa Wakas!” mula sa seryeng Maging Kaibigan ni Jehova. Nang matapos ang awit, sinabi ng may-ari ng tindahan, “May isa pa akong video na gusto kong mapanood n’yo.” Saka niya ipinalabas ang animated video na Masamang Magnakaw. Pagkatapos ng video, pinayuhan niya ang lahat na huwag magnanakaw sa tindahan niya.
Dahil may mga pumasok pa sa tindahan habang ipinalalabas ang video, sinabi sa kanila ng may-ari ng tindahan, “Gusto kong iparinig sa inyong lahat ang paborito kong Bakit Magandang Mag-aral ng Bibliya? at Paano Ginagawa ang Pag-aaral sa Bibliya? sa wikang Solomon Islands Pidgin.
kanta.” Saka niya ipinalabas ulit ang awit 55. Pagkatapos, ipinalabas naman ng may-ari ng tindahan ang mga video naIilan lamang sa mga taga-Solomon Islands ang may Internet dahil bukod sa napakamahal, ilang lugar lang ang mayroon nito. Gayunman, ang may-aring ito ng tindahan, na hindi naman Saksi ni Jehova, ay nakatutulong sa pagtatanim ng binhi ng katotohanan sa pamamagitan ng pagpapalabas ng ating mga video sa mga kostumer niya.
Nakita Niya sa Aklat ang Pangalan ng Diyos
Tuwing Lunes, isang mag-asawa ang laging gumagamit ng literature cart sa isang lugar sa Nouméa, kabisera ng New Caledonia. Minsan, isang babae ang lumapit sa cart Ano Ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Pagkalipas ng kalahating oras, bumalik siya, hawak ang aklat. Sinabi niya sa mag-asawa, “Nakita n’yo ba ito?” Binuklat niya ang aklat at itinuro ang pangalan ni Jehova. “Iyan ang pangalan ng Diyos!” ang sabi niya. “Ilang linggo na akong nagre-research sa library para malaman ang katotohanan tungkol sa Diyos. ’Tapos kumuha ako ng aklat n’yo at sumakay sa kotse. Pagbuklat ko nito, ang una kong nakita, pangalan ng Diyos, Jehova. Naisip kong dapat akong bumalik para magpasalamat sa inyo.” Masayang nakipag-usap sa babae ang mag-asawa at itinuro sa kaniya ang paksang “Ang Banal na Pangalan—Ang Paggamit at Kahulugan Nito” sa apendise ng aklat na Itinuturo ng Bibliya. Sinabi ng babae na itutuloy muna niya ang pagre-research sa library, pero alam na niya ngayon kung nasaan ang cart tuwing Lunes!
at tahimik na kumuha ng aklat na