Introduksiyon
ITO’Y aklat ng mga totoong kuwento. Kuha ito sa pinakadakilang aklat sa daigdig, ang Bibliya. Ikinukuwento nito ang kasaysayan ng daigdig hanggang sa ngayon. Sinasabi din nito kung ano pa ang gagawin ng Diyos sa hinaharap.
Ang aklat na ito ay nagsasabi tungkol sa mga tauhan ng Bibliya at kung ano ang ginawa nila. Ipinakikita din nito ang pag-asa ng walang-hanggang buhay sa paraiso na ibinigay ng Diyos sa mga tao.
Ito’y may 116 kuwento. Hinahati ito sa walong bahagi. Sa umpisa ng bawa’t bahagi ay sinasabi kung ano ang mababasa doon. Ang mga kuwento ay lumilitaw ayon sa kung kailan ito nangyari.
Simple lang ang pagsasalaysay nito. Maraming bata ang puwedeng bumasa nito nang mag-isa. Makikita ng mga magulang na ang mga anak nila’y matutuwang basahin ito nang paulit-ulit.
May mga sitas sa Bibliya na binabanggit sa dulo ng bawa’t kuwento. Sana’y basahin ninyo ang mga bahaging ito ng Bibliya na pinagkunan ng mga kuwento. Matapos basahin ang isang kuwento, tingnan at subukang sagutin ang mga tanong para sa kuwentong iyon na matatagpuan pagkatapos ng Kuwento 116.