Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

Ang aklat na ito sa pag-aaral ng Bibliya ay dinisenyo para tulungan kang malaman ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa iba’t ibang paksa gaya ng bakit tayo nagdurusa, ano ang nangyayari kapag namatay ang isa, paano magiging maligaya ang pamilya, at marami pang iba.

Ito ba ang Layunin ng Diyos?

Baka iniisip mo kung bakit napakaraming problema ngayon. Alam mo ba na sinasabi ng Bibliya na magkakaroon ng tunay na pagbabago at puwede kang makinabang doon?

KABANATA 1

Ano ba ang Katotohanan Tungkol sa Diyos?

Nagmamalasakit kaya sa iyo ang Diyos? Alamin ang mga katangian niya at kung paano ka mapapalapít sa kaniya.

KABANATA 2

Ang Bibliya—Isang Aklat Mula sa Diyos

Paano ka matutulungan ng Bibliya sa mga problema mo? Bakit totoo ang mga hula nito?

KABANATA 3

Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Lupa?

Matutupad ba ang layunin ng Diyos na magkaroon ng isang paraisong lupa? Kung oo, kailan?

KABANATA 4

Sino si Jesu-Kristo?

Alamin kung bakit si Jesus ang ipinangakong Mesiyas, saan siya galing, at bakit bugtong na Anak siya ni Jehova.

KABANATA 5

Ang Pantubos—Ang Pinakamahalagang Regalo ng Diyos

Ano ang pantubos? Paano ka makikinabang dito?

KABANATA 6

Nasaan ang mga Patay?

Alamin kung nasaan ang mga patay ayon sa Bibliya at kung bakit tayo namamatay.

KABANATA 7

Ang Tunay na Pag-asa Para sa Iyong Namatay na mga Mahal sa Buhay

Namatayan ka na ba ng mahal sa buhay? Makikita mo pa kaya silang muli? Alamin ang itinuturo ng Bibliya tungkol sa pagkabuhay-muli.

KABANATA 8

Ano ba ang Kaharian ng Diyos?

Kabisado ng marami ang Panalangin ng Panginoon. Ano ang ibig sabihin ng “Dumating nawa ang iyong kaharian”?

KABANATA 9

Nabubuhay Na ba Tayo sa “mga Huling Araw”?

Isipin kung paanong ang mga ginagawa at ugali ng mga tao sa ngayon ay katibayan na nasa mga “mga huling araw” na tayo gaya ng inihula ng Bibliya.

KABANATA 10

Mga Espiritung Nilalang—Kung Paano Nila Tayo Naaapektuhan

Binabanggit ng Bibliya na may mga anghel at mga demonyo. Totoo ba ang mga ito? Puwede ka ba nilang maapektuhan?

KABANATA 11

Bakit Kaya Pinahihintulutan ng Diyos ang Pagdurusa?

Isinisisi ng marami sa Diyos ang lahat ng nangyayaring pagdurusa sa daigdig. Ganoon din ba ang nadarama mo? Alamin ang sinasabi ng Diyos na mga dahilan ng pagdurusa.

KABANATA 12

Pamumuhay sa Paraang Nakalulugod sa Diyos

Puwede kang mamuhay nang nakalulugod kay Jehova. Puwede ka pa ngang maging kaibigan niya.

KABANATA 13

Ang Makadiyos na Pangmalas sa Buhay

Ano ang pananaw ng Diyos sa aborsiyon, pagsasalin ng dugo, at buhay ng hayop?

KABANATA 14

Kung Paano Magiging Maligaya ang Iyong Buhay Pampamilya

Ang pag-ibig ni Jesus ay halimbawa para sa mga mag-asawa, magulang, at mga anak. Ano ang matututuhan natin sa kaniya?

KABANATA 15

Ang Pagsambang Sinasang-ayunan ng Diyos

Alamin ang anim na pagkakakilanlan ng tunay na relihiyon.

KABANATA 16

Manindigan Ka Para sa Tunay na Pagsamba

Ano ang mga hamon kapag sinasabi mo sa iba ang mga paniniwala mo? Paano mo iyon gagawin nang hindi makasasakit ng loob?

KABANATA 17

Maging Malapít sa Diyos sa Panalangin

Nakikinig ba ang Diyos kapag nananalangin ka? Para masagot iyan, kailangan mong maintindihan ang itinuturo ng Bibliya tungkol sa panalangin.

KABANATA 18

Ang Bautismo at ang Iyong Kaugnayan sa Diyos

Ano ang mga hakbang para makapagpabautismo? Alamin kung ano ang ibig sabihin ng bautismo at kung paano ito dapat gawin.

KABANATA 19

Manatili sa Pag-ibig ng Diyos

Paano natin maipakikitang pinahahalagahan at pinasasalamatan natin ang lahat ng ginagawa ng Diyos?

APENDISE

Ang Banal na Pangalan—Ang Paggamit at Kahulugan Nito

Ang personal na pangalan ng Diyos ay inalis sa maraming salin ng Bibliya. Bakit? Mahalaga bang gamitin ang pangalan ng Diyos?

APENDISE

Kung Paano Inihula ni Daniel ang Pagdating ng Mesiyas

Mahigit 500 taon patiuna, isiniwalat ng Diyos kung kailan eksaktong darating ang Mesiyas. Alamin ang tungkol sa kamangha-manghang hulang ito!

APENDISE

Si Jesu-Kristo—Ang Ipinangakong Mesiyas

Tinupad ni Jesus ang lahat ng hula sa Bibliya tungkol sa Mesiyas. Tingnan mismo sa Bibliya mo kung paano detalyadong natupad ang mga ito.

APENDISE

Ang Katotohanan Tungkol sa Ama, sa Anak, at sa Banal na Espiritu

Marami ang naniniwala na ang doktrina ng Trinidad ay nasa Bibliya. Totoo ba ito?

APENDISE

Kung Bakit Hindi Gumagamit ng Krus sa Pagsamba ang Tunay na mga Kristiyano

Sa krus ba talaga namatay si Jesus? Basahin ang sagot mula mismo sa Bibliya.

APENDISE

Ang Hapunan ng Panginoon—Isang Pagdiriwang na Nagpaparangal sa Diyos

Inutusan ang mga Kristiyano na ipagdiwang ang Memoryal ng kamatayan ni Kristo. Kailan at paano ito dapat ipagdiwang?

APENDISE

“Kaluluwa” at “Espiritu”—Ano ba Talaga ang Kahulugan ng mga Salitang Ito?

Marami ang nag-iisip na pagkamatay ng tao, may di-nakikitang kaluluwa na humihiwalay sa katawan at patuloy na nabubuhay. Ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos?

APENDISE

Ano ba ang Sheol at Hades?

Ginagamit ng ilang salin ng Bibliya ang salitang “libingan” o “impiyerno” para sa Sheol at Hades. Ano ba talaga ang kahulugan ng mga salitang ito?

APENDISE

Araw ng Paghuhukom—Ano Ito?

Alamin kung bakit magdudulot ng pagpapala sa lahat ng tapat na tao ang Araw ng Paghuhukom.

APENDISE

1914—Isang Mahalagang Taon sa Hula ng Bibliya

Paano pinatutunayan ng Bibliya na ang 1914 ay isang mahalagang taon?

APENDISE

Sino si Miguel na Arkanghel?

Sinasabi ng Bibliya kung sino ang makapangyarihang arkanghel na ito. Kilalanin siya at alamin ang ginagawa niya ngayon.

APENDISE

Pagkilala sa “Babilonyang Dakila”

Sa Apocalipsis, may binabanggit na babaing patutot na may pangalang “Babilonyang Dakila.” Literal na babae ba siya? Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa kaniya?

APENDISE

Isinilang ba si Jesus sa Buwan ng Disyembre?

Alamin at isaalang-alang kung ano ang klima noong panahong isilang si Jesus. Ano ang matututuhan natin mula rito?

APENDISE

Dapat ba Tayong Magdiwang ng mga Kapistahan?

Saan nagmula ang popular na mga kapistahan sa inyong lugar? Baka magulat ka kapag nalaman mo.