KABANATA 10
Mga Espiritung Nilalang—Kung Paano Nila Tayo Naaapektuhan
-
Tinutulungan ba ng mga anghel ang mga tao?
-
Paano iniimpluwensiyahan ng mga balakyot na espiritu ang mga tao?
-
Dapat ba tayong matakot sa mga balakyot na espiritu?
1. Bakit natin gugustuhing makilala ang mga anghel?
KARANIWAN na, upang makilala mo ang isang tao, kailangang makilala mo rin ang kaniyang pamilya. Sa katulad na paraan, upang makilala mo ang Diyos na Jehova, kailangang makilala mo nang higit ang kaniyang pamilya ng mga anghel. Tinatawag ng Bibliya ang mga anghel na “mga anak ng Diyos.” (Job 38:7) Kaya, ano ba ang dako nila sa layunin ng Diyos? May ginampanan na ba silang papel sa kasaysayan ng tao? Naaapektuhan ba ng mga anghel ang iyong buhay? Kung oo, paano?
2. Saan nagmula ang mga anghel, at gaano sila karami?
2 Daan-daang beses na binabanggit ng Bibliya ang mga anghel. Isaalang-alang natin ang ilan sa mga pagtukoy na ito upang makilala natin nang higit ang mga anghel. Saan ba nagmula ang mga anghel? Sinasabi ng Colosas 1:16: “Sa pamamagitan niya [ni Jesu-Kristo] ang lahat ng iba pang bagay ay nilalang sa langit at sa ibabaw ng lupa.” Kaya naman, ang lahat ng espiritung nilalang na tinatawag na mga anghel ay isa-isang nilalang ng Diyos na Jehova sa pamamagitan ng kaniyang panganay na Anak. Gaano kaya karami ang mga anghel? Ipinakikita ng Bibliya na daan-daang milyong anghel ang nilalang, at silang lahat ay makapangyarihan.—Awit 103:20. *
3. Ano ang sinasabi sa atin ng Job 38:4-7 tungkol sa mga anghel?
Job 38:4-7) Kaya matagal nang umiiral ang mga anghel bago pa lalangin ang mga tao, bago pa man lalangin ang lupa. Ipinakikita rin ng mga talatang ito ng Bibliya na may damdamin ang mga anghel, dahil sinasabi nito na sila ay “magkakasamang humiyaw nang may kagalakan.” Pansinin na ang “lahat ng mga anak ng Diyos” ay magkakasamang nagsaya. Nang panahong iyon, ang lahat ng mga anghel ay bahagi ng isang nagkakaisang pamilya na naglilingkod sa Diyos na Jehova.
3 Sinasabi sa atin ng Salita ng Diyos, ang Bibliya, na nang itatag ang lupa, “sumigaw sa pagpuri ang lahat ng mga anak ng Diyos.” (PAG-ALALAY AT PROTEKSIYON NG MGA ANGHEL
4. Paano ipinakikita ng Bibliya na interesado ang tapat na mga anghel sa ginagawa ng mga tao?
4 Magmula nang masaksihan nila ang paglalang sa unang mga tao, nagpakita na ng matinding interes ang tapat na mga espiritung nilalang sa lumalaking pamilya ng tao at sa pagsasakatuparan ng layunin ng Diyos. (Kawikaan 8:30, 31; 1 Pedro 1:11, 12) Gayunman, sa paglipas ng panahon, napansin ng mga anghel na ang karamihan sa pamilya ng tao ay tumalikod sa paglilingkod sa kanilang maibiging Maylalang. Tiyak na ikinalungkot ito ng tapat na mga anghel. Sa kabilang panig naman, kapag may kahit isang taong nanumbalik kay Jehova, “nagkakaroon ng kagalakan sa gitna ng mga anghel.” (Lucas 15:10) Yamang gayon na lamang ang pagmamalasakit ng mga anghel sa kapakanan ng mga naglilingkod sa Diyos, hindi kataka-takang paulit-ulit na ginamit ni Jehova ang mga anghel upang palakasin at ipagsanggalang ang kaniyang tapat na mga lingkod sa lupa. (Hebreo 1:7, 14) Isaalang-alang ang ilang halimbawa.
5. Anong mga halimbawa ng pag-alalay ng mga anghel ang masusumpungan natin sa Bibliya?
5 Dalawang anghel ang tumulong sa matuwid na taong si Lot at sa kaniyang mga anak na babae upang makaligtas sa pagkapuksa ng balakyot na mga lunsod ng Sodoma at Gomorra sa pamamagitan ng pag-akay sa kanila palayo sa lugar na iyon. (Genesis 19:15, 16) Pagkalipas ng maraming siglo, si propeta Daniel ay inihagis sa yungib ng mga leon, ngunit hindi siya nasaktan at ganito ang sinabi niya: “Isinugo ng aking Diyos ang kaniyang anghel at itinikom ang bibig ng mga leon.” (Daniel 6:22) Noong unang siglo C.E., isang anghel ang nagpalaya kay apostol Pedro mula sa bilangguan. (Gawa 12:6-11) Bukod diyan, inalalayan ng mga anghel si Jesus sa pasimula ng kaniyang ministeryo sa lupa. (Marcos 1:13) At di-nagtagal bago mamatay si Jesus, nagpakita sa kaniya ang isang anghel at “pinalakas siya.” (Lucas 22:43) Tiyak na kaylaking kaaliwan nito para kay Jesus sa napakahalagang panahong iyon sa kaniyang buhay!
6. (a) Paano ipinagsasanggalang ng mga anghel ang bayan ng Diyos sa ngayon? (b) Anu-anong tanong ang isasaalang-alang natin ngayon?
6 Sa ngayon, hindi na nagpapakita ang mga anghel sa bayan ng Diyos sa lupa. Bagaman hindi nakikita ng mga mata ng tao, ipinagsasanggalang pa rin ng makapangyarihang mga anghel ng Diyos ang kaniyang bayan, lalung-lalo na mula sa anumang bagay na nakapipinsala sa espirituwal. Sinasabi ng Bibliya: “Ang anghel ni Jehova ay nagkakampo sa buong palibot niyaong mga may takot sa kaniya, at inililigtas niya sila.” (Awit 34:7) Bakit malaking kaaliwan para sa atin ang mga pananalitang ito? Dahil may mapanganib na mga balakyot na espiritung nilalang na gusto tayong lipulin! Sino sila? Saan sila nagmula? Paano nila tayo sinisikap na saktan? Upang malaman ang sagot, isaalang-alang natin sandali ang isang bagay na nangyari sa pasimula ng kasaysayan ng tao.
MGA ESPIRITUNG NILALANG NA MGA KAAWAY NATIN
7. Gaano katagumpay si Satanas sa pagsisikap na italikod sa Diyos ang mga tao?
7 Gaya ng natutuhan natin sa Kabanata 3 ng aklat na ito, isa sa mga anghel ang naghangad na mamahala sa iba at sa gayo’y tumalikod sa Diyos. Nang maglaon, ang anghel na ito ay nakilala bilang Satanas na Diyablo. (Apocalipsis 12:9) Sa loob ng 16 na siglo matapos niyang linlangin si Eva, nagtagumpay si Satanas na italikod sa Diyos ang halos lahat ng tao maliban sa ilang tapat, gaya nina Abel, Enoc, at Noe.—Hebreo 11:4, 5, 7.
8. (a) Paano naging demonyo ang ilan sa mga anghel? (b) Upang makaligtas sa Baha noong panahon ni Noe, ano ang kinailangang gawin ng mga demonyo?
8 Noong panahon ni Noe, nagrebelde ang ibang mga anghel laban kay Jehova. Iniwan nila ang kanilang dako sa pamilya ng Diyos sa langit, bumaba rito sa lupa, at nagkatawang-tao. Bakit? Genesis 6:2: “Napansin ng mga anak ng tunay na Diyos ang mga anak na babae ng mga tao, na sila ay magaganda; at kumuha sila ng kani-kanilang mga asawa, samakatuwid ay lahat ng kanilang pinili.” Ngunit hindi pinahintulutan ng Diyos na Jehova na magpatuloy ang ginagawa ng mga anghel na ito at ang idinulot nitong kasamaan sa sangkatauhan. Nagpasapit siya ng pangglobong baha sa lupa na tumangay sa lahat ng napakasamang mga tao at ang iniligtas lamang niya ay ang kaniyang tapat na mga lingkod. (Genesis 7:17, 23) Kaya napilitan ang mga rebeldeng anghel, o mga demonyo, na iwan ang kanilang katawang-tao at bumalik sa langit bilang mga espiritung nilalang. Pumanig sila sa Diyablo, na naging “tagapamahala ng mga demonyo.”—Mateo 9:34.
Ganito ang mababasa natin sa9. (a) Ano ang nangyari sa mga demonyo nang bumalik sila sa langit? (b) Ano ang tatalakayin natin hinggil sa mga demonyo?
2 Pedro 2:4) Bagaman hindi na sila nakapagkakatawang-tao ngayon, may napakasamang impluwensiya pa rin sila sa mga tao. Sa katunayan, sa tulong ng mga demonyong ito, ‘inililigaw ni Satanas ang buong tinatahanang lupa.’ (Apocalipsis 12:9; 1 Juan 5:19) Paano? Pangunahin nang ginagamit ng mga demonyo ang mga pamamaraang dinisenyo upang iligaw ang mga tao. (2 Corinto 2:11) Talakayin natin ang ilan sa mga pamamaraang ito.
9 Nang bumalik sa langit ang masuwaying mga anghel, sila ay itinakwil, gaya ng kanilang tagapamahala na si Satanas. (KUNG PAANO INILILIGAW NG MGA DEMONYO ANG MGA TAO
10. Ano ang espiritismo?
10 Upang iligaw ang mga tao, gumagamit ang mga demonyo ng espiritismo. Ang pagsasagawa ng espiritismo ay pakikisangkot sa mga demonyo, kapuwa sa tuwirang paraan at sa pamamagitan ng isang espiritista. Hinahatulan ng Bibliya ang espiritismo at binababalaan tayo nito na huwag makisangkot sa lahat ng bagay na may kaugnayan dito. (Galacia 5:19-21) Gumagamit ng espiritismo ang mga demonyo kung paanong gumagamit ng pain ang mga mangingisda. Iba’t ibang pain ang ginagamit ng isang mangingisda para makahuli ng iba’t ibang uri ng isda. Sa katulad na paraan, iba’t ibang anyo ng espiritismo ang ginagamit ng mga balakyot na espiritu upang mapasailalim sa kanilang impluwensiya ang lahat ng uri ng tao.
11. Ano ang panghuhula, at bakit natin ito dapat iwasan?
11 Ang isang uri ng pain na ginagamit ng mga demonyo ay ang panghuhula. Ano ba ang panghuhula? Ito ay ang pagtatangkang alamin ang tungkol sa hinaharap o ang isang bagay na hindi pa nalalaman. Ang ilang anyo ng panghuhula ay astrolohiya, paggamit ng mga barahang tarot, pagtingin sa bolang kristal, pagbasa ng palad, at paghahanap ng mahiwagang mga pangitain, o mga tanda, sa panaginip. Bagaman iniisip ng maraming tao na ang panghuhula ay di-nakapipinsala, ipinakikita ng Bibliya na magkasabuwat ang mga manghuhula at ang mga balakyot na espiritu. Halimbawa, binabanggit ng Gawa 16:16-18 ang “isang demonyo ng panghuhula” na naging dahilan upang makapagsagawa ng “sining ng panghuhula” ang isang batang babae. Ngunit naiwala niya ang kakayahang ito nang palabasin sa kaniya ang demonyo.
12. Bakit mapanganib na subuking makipagtalastasan sa mga patay?
12 Ang isa pang paraan na inililigaw ng mga demonyo ang mga tao ay ang paghimok sa kanila na sumangguni sa mga patay. Ang mga taong namimighati dahil sa pagkamatay ng isang mahal sa buhay ay kadalasang nalilinlang ng maling mga ideya tungkol sa mga patay. Maaaring magbigay ang isang espiritista ng pantanging impormasyon o magsalita sa isang tinig na waring kaboses ng namatay na indibiduwal. Bilang resulta, maraming tao ang nakukumbinsi na ang mga patay ay talagang buháy at na ang pakikipag-ugnayan sa kanila ay tutulong sa mga nabubuhay na makayanan ang kanilang pamimighati. Ngunit sa katunayan, ang gayong “kaaliwan” ay huwad at mapanganib. Bakit? Dahil kayang gayahin ng mga demonyo ang tinig ng isang namatay na indibiduwal at magbigay ng impormasyon sa isang espiritista tungkol sa namatay. (1 Samuel 28:3-19) Karagdagan pa, gaya ng natutuhan natin sa Kabanata 6, hindi na umiiral ang mga patay. (Awit 115:17) Kaya ang “sinumang sumasangguni sa patay” ay nailigaw na ng mga balakyot na espiritu at kumikilos laban sa kalooban ng Diyos. (Deuteronomio 18:10, 11; Isaias 8:19) Kaya nga, mag-ingat laban sa ganitong mapanganib na pain na ginagamit ng mga demonyo.
13. Ano ang nagawa ng marami na dating takót sa mga demonyo?
13 Hindi lamang inililigaw ng mga balakyot na espiritu ang mga tao kundi tinatakot din naman nila ang mga ito. Sa ngayon, alam ni Satanas at ng kaniyang mga demonyo na “maikling yugto ng panahon” na lamang ang natitira bago sila gapusin, kung kaya napakabagsik nila ngayon higit kailanman. (Apocalipsis 12:12, 17) Magkagayunman, libu-libong tao na dating nabubuhay sa takot araw-araw dahil sa gayong mga balakyot na espiritu ang nakalaya na. Paano nila ito nagawa? Ano ang maaaring gawin ng isang tao kahit sangkot na siya sa espiritismo?
KUNG PAANO LALABANAN ANG MGA BALAKYOT NA ESPIRITU
14. Tulad ng unang-siglong mga Kristiyano sa Efeso, paano tayo makalalaya sa mga balakyot na espiritu?
14 Sinasabi sa atin ng Bibliya kung paano lalabanan ang mga balakyot na espiritu at kung paano makalalaya sa kanila. Tingnan ang halimbawa ng unang-siglong mga Kristiyano sa lunsod ng Efeso. Nagsagawa ng espiritismo ang ilan sa kanila bago naging mga Kristiyano. Nang ipasiya nilang lumaya mula sa espiritismo, ano ang ginawa nila? Ganito ang sinasabi ng Bibliya: “Tinipon ng marami sa mga nagsasagawa ng sining ng mahika ang kanilang mga aklat at sinunog ang mga iyon sa harap ng lahat.” (Gawa 19:19) Sa pagsira sa kanilang mga aklat sa mahika, nagpakita ng halimbawa ang mga bagong Kristiyanong iyon para sa mga nagnanais na labanan ang mga balakyot na espiritu sa ngayon. Kailangang itapon ng mga taong nagnanais na maglingkod kay Jehova ang lahat ng bagay na may kaugnayan sa espiritismo. Kasama na riyan ang mga aklat, magasin, pelikula, poster, at mga rekord sa musika na humihimok sa isa na magsagawa ng espiritismo anupat ginagawang waring kaakit-akit at kapana-panabik ito. Kalakip din dito ang mga anting-anting o iba pang mga bagay na isinusuot para magsilbing proteksiyon laban sa masama.—1 Corinto 10:21.
15. Upang malabanan ang balakyot na mga puwersang espiritu, ano ang kailangan nating gawin?
Efeso 6:12) Hindi pa sumusuko ang mga demonyo. Sinisikap pa rin nilang makalamang. Kaya, ano pa ang kailangang gawin ng mga Kristiyanong iyon? “Higit sa lahat,” ang sabi ni Pablo, “kunin ninyo ang malaking kalasag ng pananampalataya, na siyang ipanunugpo ninyo sa lahat ng nag-aapoy na mga suligi ng isa na balakyot [si Satanas].” (Efeso 6:16) Habang mas matibay ang ating kalasag ng pananampalataya, mas malakas ang ating panlaban sa balakyot na mga puwersang espiritu.—Mateo 17:20.
15 Mga ilang taon pagkatapos sirain ng mga Kristiyano sa Efeso ang kanilang mga aklat sa mahika, sumulat sa kanila si apostol Pablo: “Tayo ay may pakikipagbuno . . . laban sa balakyot na mga puwersang espiritu.” (16. Paano natin mapatitibay ang ating pananampalataya?
16 Kung gayon, paano natin mapatitibay ang ating pananampalataya? Sa pamamagitan ng pag-aaral ng Bibliya. Ang katatagan ng isang pader ay nakadepende nang malaki sa tibay ng pundasyon nito. Sa katulad na paraan, ang katatagan ng ating pananampalataya ay nakadepende nang malaki sa tibay ng pundasyon nito, ang tumpak na kaalaman sa Salita ng Diyos, ang Bibliya. Kung babasahin natin at pag-aaralan ang Bibliya araw-araw, magiging matibay ang ating pananampalataya. Tulad ng isang matibay na pader, ang gayong pananampalataya ay magsasanggalang sa atin mula sa impluwensiya ng mga balakyot na espiritu.—1 Juan 5:5.
17. Anong hakbang ang kailangan upang malabanan ang mga balakyot na espiritu?
17 Ano pang hakbang ang kinailangang gawin ng mga Kristiyanong iyon sa Efeso? Kinailangan nila ng karagdagang proteksiyon dahil nabubuhay sila sa isang lunsod na lipos ng demonismo. Kaya sinabi ni Pablo sa kanila: ‘Sa bawat uri ng panalangin at pagsusumamo ay magpatuloy kayo sa pananalangin sa bawat pagkakataon sa pamamagitan ng espiritu.’ (Efeso 6:18) Yamang nabubuhay rin tayo sa isang daigdig na lipos ng demonismo, ang marubdob na pananalangin kay Jehova para sa kaniyang proteksiyon ay napakahalaga upang malabanan ang mga balakyot na espiritu. Siyempre pa, kailangan nating gamitin ang pangalan ni Jehova sa ating mga panalangin. (Kawikaan 18:10) Kaya kailangan tayong patuloy na manalangin sa Diyos na “iligtas [tayo] mula sa isa na balakyot,” si Satanas na Diyablo. (Mateo 6:13) Sasagutin ni Jehova ang gayong marubdob na mga panalangin.—Awit 145:19.
18, 19. (a) Bakit tayo makatitiyak ng tagumpay sa ating pakikipaglaban sa mga balakyot na espiritung nilalang? (b) Anong tanong ang sasagutin sa susunod na kabanata?
18 Mapanganib ang mga balakyot na espiritu, ngunit hindi tayo dapat matakot sa kanila kung lalabanan natin ang Diyablo at magiging malapít tayo sa Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng Kaniyang kalooban. (Santiago 4:7, 8) Limitado ang kapangyarihan ng mga balakyot na espiritu. Pinarusahan na sila noong panahon ni Noe, at napapaharap sila sa kanilang pangwakas na kahatulan sa hinaharap. (Judas 6) Tandaan din na ipinagsasanggalang tayo ng makapangyarihang mga anghel ni Jehova. (2 Hari 6:15-17) Gustung-gusto ng mga anghel na iyon na magtagumpay tayo sa ating pakikipaglaban sa mga balakyot na espiritu. Sa diwa, pinatitibay-loob tayo ng matuwid na mga anghel. Kung gayon, manatili tayong malapít kay Jehova at sa kaniyang pamilya ng tapat na mga espiritung nilalang. Nawa’y iwasan din natin ang bawat uri ng espiritismo at laging ikapit ang payo ng Salita ng Diyos. (1 Pedro 5:6, 7; 2 Pedro 2:9) Sa gayon ay makatitiyak tayo ng tagumpay sa ating pakikipaglaban sa mga balakyot na espiritung nilalang.
19 Ngunit bakit pinahihintulutan ng Diyos ang masasamang espiritu at ang kasamaan na naging dahilan ng labis-labis na pagdurusa ng mga tao? Sasagutin ang tanong na iyan sa susunod na kabanata.
^ par. 2 Hinggil sa matuwid na mga anghel, sinasabi ng Apocalipsis 5:11: “Ang bilang nila ay laksa-laksang mga laksa,” o “sampung libong tigsasampung libo.” (Talababa sa New World Translation of the Holy Scriptures—With References) Kaya ipinahihiwatig ng Bibliya na daan-daang milyong anghel ang nilalang.