APENDISE
Ang Katotohanan Tungkol sa Ama, sa Anak, at sa Banal na Espiritu
SINASABI ng mga taong naniniwala sa turo ng Trinidad na ang Diyos ay binubuo ng tatlong persona—ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu. Sinasabing ang tatlong personang ito ay magkakapantay, makapangyarihan-sa-lahat, at walang pasimula. Kung gayon, ayon sa doktrina ng Trinidad, ang Ama ay Diyos, ang Anak ay Diyos, at ang Banal na Espiritu ay Diyos, ngunit iisa lamang ang Diyos.
Marami sa mga naniniwala sa Trinidad ang umaamin na hindi nila kayang ipaliwanag ang turong ito. Gayunman, baka inaakala nilang itinuturo ito ng Bibliya. Kapansin-pansin na ang salitang “Trinidad” ay hindi kailanman lumitaw sa Bibliya. Pero masusumpungan ba sa Bibliya ang ideya ng Trinidad? Upang masagot ang tanong na ito, tingnan natin ang isang kasulatan na madalas banggitin ng mga nagtataguyod ng Trinidad.
“ANG SALITA AY DIYOS”
Sinasabi ng Juan 1:1: “Sa pasimula pa’y naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay Diyos.” (Magandang Balita Biblia) Nang maglaon sa kabanata ring iyon, maliwanag na ipinakita ni apostol Juan na “ang Salita” ay si Jesus. (Juan 1:14) Gayunman, yamang ang Salita ay tinawag na Diyos, sinasabi ng ilan na ang Anak at ang Ama ay walang-alinlangang bahagi ng iisang Diyos.
Tandaan na ang bahaging ito ng Bibliya ay orihinal na isinulat sa wikang Griego. Nang maglaon, isinalin ng mga tagapagsalin ang tekstong Griego sa iba pang mga wika. Gayunman, hindi ginamit ng ilang tagapagsalin ng Bibliya ang pariralang “ang Salita ay Diyos.” Bakit hindi? Salig sa kanilang kaalaman sa wikang Griego na ginamit sa pagsulat ng Bibliya, ipinasiya ng mga tagapagsaling iyon na ang pariralang “ang Salita ay Diyos” ay dapat isalin sa ibang paraan. Paano? Narito ang ilang halimbawa: “Ang Logos [Salita] ay tulad-Diyos.” (A New Translation of the Bible) “Ang Salita ay isang diyos.” (The New Testament in an Improved Version) “Ang Salita ay kasama ng Diyos at nagtataglay sila ng iisang kaurian.” (The Translator’s New Testament) Ayon sa mga saling ito, ang Salita ay hindi ang Diyos mismo. * Sa halip, dahil sa kaniyang mataas na posisyon sa mga nilalang ni Jehova, ang Salita ay tinukoy bilang “isang diyos.” Dito ang salitang “diyos” ay nangangahulugang “makapangyarihang isa.”
KUMUHA NG HIGIT PANG IMPORMASYON
Ang karamihan sa mga tao ay walang kabatiran sa wikang Griego na ginamit sa pagsulat ng Bibliya. Kaya paano mo malalaman kung ano talaga ang ibig sabihin ni apostol Juan? Pag-isipan ang halimbawang ito: Ipinaliwanag ng isang guro sa paaralan ang isang paksa sa kaniyang mga estudyante. Pagkatapos nito, iba-iba ang naging opinyon ng mga estudyante kung paano dapat unawain ang paliwanag. Juan 1:1, maaari mong tingnan ang Ebanghelyo ni Juan para sa higit pang impormasyon hinggil sa posisyon ni Jesus. Ang pagkuha ng karagdagang impormasyon hinggil sa paksang ito ay tutulong sa iyo na sumapit sa tamang konklusyon.
Paano lulutasin ng mga estudyante ang bagay na ito? Maaari silang humingi sa guro ng higit pang impormasyon. Walang alinlangan, ang pagkuha ng karagdagang impormasyon ay tutulong sa kanila na maunawaan nang higit ang paksa. Sa katulad na paraan, upang maunawaan ang kahulugan ngHalimbawa, isaalang-alang ang isinulat pa ni Juan sa kabanata 1, talata 18: “Walang taong nakakita sa Diyos [na Makapangyarihan-sa-lahat] kailanman.” Gayunman, nakita ng mga tao si Jesus, ang Anak, sapagkat sinabi ni Juan: “Naging tao ang Salita [si Jesus] at siya’y nanirahan sa piling natin. Nakita namin ang kanyang kapangyarihan at kadakilaan.” (Juan 1:14, Mabuting Balita Biblia) Kung gayon, paano magiging bahagi ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ang Anak? Binanggit din ni Juan na ang Salita ay “kasama ng Diyos.” Pero paano magiging kasama ng isa ang ibang indibiduwal at kasabay nito ay siya rin ang indibiduwal na iyon? Karagdagan pa, gaya ng nakaulat sa Juan 17:3, niliwanag ni Jesus ang pagkakaiba niya at ng kaniyang makalangit na Ama. Tinawag niya ang kaniyang Ama na “ang tanging tunay na Diyos.” At sa pagtatapos ng kaniyang Ebanghelyo, ibinuod ni Juan ang mga bagay-bagay sa pagsasabi: “Ang mga ito ay isinulat upang maniwala kayo na si Jesus ang Kristo na Anak ng Diyos.” (Juan 20:31) Pansinin na si Jesus ay tinawag na Anak ng Diyos, at hindi Diyos. Ipinakikita ng karagdagang impormasyong ito na masusumpungan sa Ebanghelyo ni Juan kung paano dapat unawain ang Juan 1:1. Si Jesus, ang Salita, ay “isang diyos” sa diwa na may mataas siyang posisyon ngunit hindi kapantay ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat.
TIYAKIN ANG MGA KATOTOHANAN
Pag-isipang muli ang halimbawa ng guro sa paaralan at ng mga estudyante. Gunigunihin na ang ilan ay nag-aalinlangan pa rin kahit na narinig na nila ang karagdagang paliwanag ng guro. Ano ang maaari nilang gawin? Maaari silang lumapit sa ibang guro para sa karagdagang impormasyon sa paksa ring iyon. Kung binigyang-katiyakan ng ikalawang guro ang paliwanag ng una, mawawala ang pag-aalinlangan ng karamihan sa mga estudyante. Sa katulad na paraan, kung hindi ka nakatitiyak kung ano talaga ang sinasabi ng manunulat ng Bibliya na si Juan hinggil sa kaugnayan ni Jesus at ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat, maaari kang bumaling sa ibang manunulat ng Bibliya para sa karagdagang impormasyon. Halimbawa, Mateo 24:36) Paano pinatutunayan ng mga salitang ito na hindi si Jesus ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat?
isaalang-alang ang isinulat ni Mateo. Hinggil sa katapusan ng sistemang ito ng mga bagay, sinipi niya si Jesus na sinasabi: “May kinalaman sa araw at oras na iyon ay walang sinuman ang nakaaalam, kahit ang mga anghel sa mga langit kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang.” (Sinabi ni Jesus na mas maraming nalalaman ang Ama kaysa sa Anak. Gayunman, kung si Jesus ay bahagi ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat, alam sana niya ang lahat ng impormasyon na alam ng kaniyang Ama. Kung gayon, ang Anak at ang Ama ay hindi maaaring maging magkapantay. Gayunman, sasabihin ng ilan: ‘Si Jesus ay may dalawang kaurian. Dito ay nagsasalita siya bilang isang tao.’ Ngunit kahit na iyan ang kalagayan, kumusta naman ang banal na espiritu? Kung bahagi ito ng iisang Diyos na gaya ng Ama, bakit hindi sinabi ni Jesus na alam nito ang nalalaman ng Ama?
Habang nagpapatuloy ka sa pag-aaral mo ng Bibliya, magiging pamilyar ka sa marami pang talata ng Bibliya na may kaugnayan sa paksang ito. Pinatutunayan ng mga ito ang katotohanan tungkol sa Ama, sa Anak, at sa banal na espiritu.—Awit 90:2; Gawa 7:55; Colosas 1:15.
^ par. 3 Para sa higit pang pagtalakay sa Juan 1:1, tingnan ang artikulong “Ang Salita ba ay ‘Diyos’ o ‘isang diyos’?” sa Ang Bantayan ng Nobyembre 1, 2008, inilathala ng mga Saksi ni Jehova.