KABANATA 13
Ang Makadiyos na Pangmalas sa Buhay
-
Ano ang pangmalas ng Diyos sa buhay?
-
Ano ang pangmalas ng Diyos sa aborsiyon?
-
Paano natin ipinakikita ang paggalang sa buhay?
1. Sino ang lumalang ng lahat ng bagay na may buhay?
“SI Jehova ay totoo ngang Diyos,” ang sabi ni propeta Jeremias. “Siya ang Diyos na buháy.” (Jeremias 10:10) Bukod diyan, ang Diyos na Jehova ang Maylalang ng lahat ng bagay na may buhay. Ganito ang sabi ng makalangit na mga nilalang hinggil sa kaniya: “Nilalang mo ang lahat ng bagay, at dahil sa iyong kalooban ay umiral sila at nalalang.” (Apocalipsis 4:11) Sa isang awit ng papuri sa Diyos, sinabi ni Haring David: “Nasa iyo ang bukal ng buhay.” (Awit 36:9) Kung gayon, ang buhay ay isang regalo mula sa Diyos.
2. Ano ang ginagawa ng Diyos upang tustusan ang ating buhay?
2 Si Jehova rin ang tumutustos sa ating buhay. (Gawa 17:28) Inilalaan niya ang pagkain na kinakain natin, ang tubig na iniinom natin, ang hangin na nilalanghap natin, at ang lupa na tinitirhan natin. (Gawa 14:15-17) Ginawa ito ni Jehova sa paraang makapagdudulot ng kasiyahan sa buhay. Ngunit upang masiyahan nang lubusan sa buhay, kailangan nating matutuhan ang mga kautusan ng Diyos at sundin ang mga ito.—Isaias 48:17, 18.
PAGPAPAKITA NG PAGGALANG SA BUHAY
3. Ano ang pangmalas ng Diyos sa pagpaslang kay Abel?
3 Nais ng Diyos na igalang natin ang buhay—ang sa atin at sa iba. Halimbawa, noong panahon nina Adan at Eva, galít na galít ang kanilang anak na si Cain sa kaniyang nakababatang kapatid na si Abel. Binabalaan ni Jehova si Cain na ang kaniyang galit ay maaaring umakay sa malubhang pagkakasala. Ipinagwalang-bahala ni Cain ang babalang iyon. ‘Dinaluhong niya si Abel na kaniyang kapatid at pinatay niya ito.’ (Genesis 4:3-8) Pinarusahan ni Jehova si Cain dahil sa pagpaslang nito sa kaniyang kapatid.—Genesis 4:9-11.
4. Sa Kautusang Mosaiko, paano idiniin ng Diyos ang tamang pangmalas sa buhay?
4 Makalipas ang libu-libong taon, binigyan ni Jehova ng mga kautusan ang bayan ng Israel upang tulungan silang paglingkuran siya sa kaayaayang paraan. Dahil ibinigay ang mga kautusang ito sa pamamagitan ni propeta Moises, tinatawag kung minsan ang mga ito na Kautusang Mosaiko. Ganito ang sabi ng bahagi ng Kautusang Mosaiko: “Huwag kang papaslang.” (Deuteronomio 5:17) Ipinakita nito sa mga Israelita na pinahahalagahan ng Diyos ang buhay ng tao at na dapat pahalagahan ng mga tao ang buhay ng iba.
5. Ano ang dapat maging pangmalas natin sa aborsiyon?
5 Kumusta naman ang buhay ng isang di-pa-naisisilang na sanggol? Buweno, ayon sa Kautusang Mosaiko, ang maging sanhi ng kamatayan ng isang sanggol na nasa sinapupunan ng kaniyang ina ay isang pagkakasala. Oo, maging ang gayong buhay ay mahalaga kay Jehova. (Exodo 21:22, 23; Awit 127:3) Nangangahulugan ito na mali ang aborsiyon.
6. Bakit hindi natin dapat kapootan ang ating kapuwa?
6 Kalakip sa paggalang sa buhay ang pagkakaroon ng tamang pangmalas sa ating kapuwa. Sinasabi ng Bibliya: “Ang bawat isa na napopoot sa kaniyang kapatid ay mamamatay-tao, at alam ninyo na walang mamamatay-tao ang may buhay na walang hanggan na nananatili sa kaniya.” (1 Juan 3:15) Kung nais natin ng buhay na walang hanggan, kailangan nating lubusang alisin sa ating puso ang anumang poot sa ating kapuwa, dahil ang poot ang ugat ng karamihan sa mga karahasan. (1 Juan 3:11, 12) Napakahalaga na matutuhan nating ibigin ang isa’t isa.
7. Ano ang ilang gawain na nagpapakita ng kawalang-galang sa buhay?
7 Kumusta naman ang pagpapakita ng paggalang sa atin mismong buhay? Karaniwan nang ayaw mamatay ng mga tao, ngunit isinasapanganib ng ilan ang kanilang buhay alang-alang sa kaluguran. Halimbawa, marami ang gumagamit ng tabako, nganga, o droga bilang libangan. Ang gayong mga substansiya ay nakapipinsala sa katawan at kadalasang pumapatay sa mga gumagamit nito. Hindi itinuturing ng isang taong namihasa sa paggamit ng Roma 6:19; 12:1; 2 Corinto 7:1) Upang mapaglingkuran ang Diyos sa kaayaayang paraan, kailangan nating itigil ang gayong mga gawain. Bagaman maaaring napakahirap gawin ito, mabibigyan tayo ni Jehova ng kinakailangang tulong. At pinahahalagahan niya ang ginagawa nating pagsisikap na ituring ang ating buhay bilang isang mahalagang regalo mula sa kaniya.
mga substansiyang ito na banal ang buhay. Ang mga gawaing ito ay marumi sa paningin ng Diyos. (8. Bakit dapat tayong maging palaisip sa kaligtasan?
8 Kung may paggalang tayo sa buhay, palagi tayong magiging palaisip sa kaligtasan. Hindi tayo magiging pabaya at hindi tayo makikipagsapalaran para lamang sa kaluguran o katuwaan. Iiwasan natin ang walang-ingat na pagmamaneho at ang marahas o mapanganib na mga isport. (Awit 11:5) Ganito ang sinabi ng kautusan ng Diyos sa sinaunang Israel: “Kung magtatayo ka ng isang bagong bahay [na may patag na bubong], gagawa ka rin ng isang halang [o, mababang pader] para sa iyong bubong, upang hindi ka makapaglagay ng pagkakasala sa dugo sa iyong bahay dahil baka may sinumang mahulog at mula roon siya mahulog.” (Deuteronomio 22:8) Kaayon ng simulaing itinakda sa kautusang iyan, panatilihing ligtas ang mga dako sa inyong tahanan gaya ng mga hagdanan para walang matalisod, mahulog, at lubhang masaktan. Kung may sasakyan ka, tiyakin mong ligtas itong gamitin. Huwag hayaang maging panganib sa iyo at sa iba ang iyong tahanan o ang iyong sasakyan.
9. Kung may paggalang tayo sa buhay, paano natin tatratuhin ang mga hayop?
9 Kumusta naman ang buhay ng isang hayop? Banal din iyan sa Maylalang. Pinahihintulutan ng Diyos ang pagpatay sa mga hayop para makakuha ng pagkain at pananamit o para ipagsanggalang ang mga tao mula sa panganib. (Genesis 3:21; 9:3; Exodo 21:28) Gayunman, ang pagiging malupit sa mga hayop o pagpatay sa mga ito dahil lamang sa isport ay mali at pagpapakita ng ganap na pagwawalang-bahala sa kabanalan ng buhay.—Kawikaan 12:10.
PAGPAPAKITA NG PAGGALANG SA DUGO
10. Paano ipinakita ng Diyos na magkaugnay ang buhay at ang dugo?
10 Matapos patayin ni Cain ang kaniyang kapatid na si Abel, sinabi ni Jehova kay Cain: “Ang dugo ng iyong kapatid ay sumisigaw Genesis 4:10) Nang banggitin ng Diyos ang dugo ni Abel, ang tinutukoy niya ay ang buhay ni Abel. Kinitil ni Cain ang buhay ni Abel, at ngayon ay kailangang parusahan si Cain. Para bang ang dugo, o buhay, ni Abel ay humihingi ng katarungan kay Jehova. Ang kaugnayan ng buhay at dugo ay muling ipinakita pagkatapos ng Baha noong panahon ni Noe. Bago ang Baha, mga prutas, gulay, butil, at mga nuwes lamang ang kinakain ng mga tao. Pagkatapos ng Baha, sinabi ni Jehova kay Noe at sa kaniyang mga anak: “Bawat gumagalang hayop na buháy ay magiging pagkain para sa inyo. Gaya ng luntiang pananim, ibinibigay kong lahat iyon sa inyo.” Gayunman, ibinigay ng Diyos ang pagbabawal na ito: “Tanging ang laman na kasama ang kaluluwa nito [o, buhay]—ang dugo nito—ang huwag ninyong kakainin.” (Genesis 1:29; 9:3, 4) Maliwanag na para kay Jehova, may malapit na kaugnayan ang buhay at ang dugo ng isang nilalang.
sa akin mula sa lupa.” (11. Anong paggamit ng dugo ang ipinagbabawal ng Diyos mula pa noong panahon ni Noe?
11 Ipinakikita natin ang paggalang sa dugo sa pamamagitan ng hindi pagkain dito. Sa Kautusan na ibinigay ni Jehova sa mga Israelita, iniutos niya: “Kung tungkol sa sinumang tao . . . na sa pangangaso ay makahuli ng isang mailap na hayop o ng isang ibon na makakain, ibubuhos nga niya ang dugo niyaon at tatakpan niya iyon ng alabok. . . . Sinabi ko sa mga anak ni Israel: ‘Huwag ninyong kakainin ang dugo ng anumang uri ng laman.’ ” (Levitico 17:13, 14) Ang utos ng Diyos na huwag kumain ng dugo ng hayop, na unang ibinigay kay Noe mga 800 taon bago nito, ay may bisa pa rin. Maliwanag ang pangmalas ni Jehova: Puwedeng kainin ng kaniyang mga lingkod ang karne ng hayop pero hindi ang dugo. Dapat nilang ibuhos ang dugo sa lupa—sa diwa ay ibinabalik sa Diyos ang buhay ng nilalang.
12. Anong utos hinggil sa dugo ang ibinigay noong unang siglo sa pamamagitan ng banal na espiritu na kapit pa rin sa ngayon?
12 Isang nakatutulad na utos ang itinakda sa mga Kristiyano. Ang mga apostol at iba pang mga lalaki na inatasang manguna sa mga tagasunod ni Jesus noong unang siglo ay nagtipon upang pagpasiyahan kung anong mga utos ang dapat sundin ng lahat sa kongregasyong Kristiyano. Ito ang naging pasiya nila: Gawa 15:28, 29; 21:25) Kaya dapat tayong ‘patuloy na umiwas sa dugo.’ Sa paningin ng Diyos, ang paggawa natin niyan ay kasinghalaga ng pag-iwas natin sa idolatriya at seksuwal na imoralidad.
“Minagaling ng banal na espiritu at namin mismo na huwag nang magdagdag ng higit pang pasanin sa inyo, maliban sa mga bagay na ito na kinakailangan, na patuloy na umiwas sa mga bagay na inihain sa mga idolo at sa dugo at sa mga bagay na binigti [hindi napatulo ang dugo] at sa pakikiapid.” (13. Ilarawan kung bakit kasama sa utos na umiwas sa dugo ang pagpapasalin ng dugo.
13 Kasama ba ang pagpapasalin ng dugo sa utos na umiwas sa dugo? Oo. Bilang paglalarawan: Ipagpalagay na sinabi sa iyo ng doktor na umiwas ka sa mga inuming de-alkohol. Nangangahulugan ba lamang iyan na hindi ka dapat uminom ng inuming de-alkohol pero puwede kang magturok nito sa iyong mga ugat? Siyempre hindi! Sa katulad na paraan, ang pag-iwas sa dugo ay nangangahulugang hindi natin ito ipapasok sa ating katawan sa anumang paraan. Kaya ang utos na umiwas sa dugo ay nangangahulugang hindi natin pahihintulutan ang sinuman na salinan tayo ng dugo sa ating mga ugat.
14, 15. Kung sasabihin ng mga doktor na kailangang magpasalin ng dugo ang isang Kristiyano, paano siya tutugon, at bakit?
14 Paano naman kung ang isang Kristiyano ay malubhang napinsala o nangangailangan ng maselang operasyon? Ipagpalagay na sinabi ng doktor na kailangan siyang salinan ng dugo dahil kung hindi ay mamamatay siya. Siyempre, hindi gustong mamatay ng Kristiyano. Sa pagsisikap na ingatan ang mahalagang regalo na buhay mula sa Diyos, tatanggapin niya ang ibang uri ng paggamot na hindi nagsasangkot ng maling paggamit sa dugo. Kaya, sisikapin niyang magpagamot sa gayong paraan hangga’t maaari at tatanggapin niya ang mga alternatibo sa dugo.
15 Lalabagin ba ng isang Kristiyano ang kautusan ng Diyos para lamang pahabain nang kaunti ang kaniyang buhay sa sistemang ito ng mga bagay? Sinabi ni Jesus: “Ang sinumang nagnanais magligtas ng kaniyang kaluluwa [o, buhay] ay mawawalan nito; ngunit ang sinumang mawalan ng kaniyang kaluluwa alang-alang sa akin ay makasusumpong nito.” (Mateo ) Ayaw nating mamatay. Ngunit kung lalabagin natin ang kautusan ng Diyos sa pagsisikap na iligtas ang ating kasalukuyang buhay, nanganganib na maiwala natin ang ating pag-asa na buhay na walang hanggan. Kung gayon, isang katalinuhan na magtiwala sa pagiging tama ng kautusan ng Diyos, anupat lubusang nananalig na mamatay man tayo sa anumang dahilan, aalalahanin tayo ng ating Tagapagbigay-Buhay sa pagkabuhay-muli at isasauli sa atin ang mahalagang regalo na buhay.— 16:25Juan 5:28, 29; Hebreo 11:6.
16. Ano ang matatag na kapasiyahan ng mga lingkod ng Diyos hinggil sa dugo?
16 Sa ngayon, matatag na kapasiyahan ng tapat na mga lingkod ng Diyos na sundin ang kaniyang tagubilin hinggil sa dugo. Hindi sila kakain nito sa anumang anyo. Ni tatanggap man ng dugo dahil sa medikal na mga kadahilanan. * Nakatitiyak sila na alam ng Maylalang ng dugo kung ano ang pinakamabuti para sa kanila. Naniniwala ka bang alam niya kung ano ang pinakamabuti para sa kaniyang mga lingkod?
ANG TANGING WASTONG PAGGAMIT SA DUGO
17. Sa sinaunang Israel, ano ang tanging paggamit sa dugo na kaayaaya sa Diyos na Jehova?
17 Idiniin ng Kautusang Mosaiko ang tanging wastong paggamit sa dugo. Hinggil sa pagsambang hinihiling sa sinaunang mga Israelita, iniutos ni Jehova: “Ang kaluluwa [o, buhay] ng laman ay nasa dugo, at ako mismo ang naglagay niyaon sa ibabaw ng altar Levitico 17:11) Kapag nagkakasala ang mga Israelita, makapagtatamo sila ng kapatawaran sa pamamagitan ng paghahandog ng hayop at paglalagay ng kaunting dugo nito sa altar sa tabernakulo o sa templo ng Diyos nang maglaon. Ang gayong mga hain ang tanging wastong paggamit sa dugo.
upang maipambayad-sala ninyo para sa inyong mga kaluluwa, sapagkat ang dugo ang nagbabayad-sala.” (18. Anu-anong kapakinabangan at pagpapala ang matatamo natin sa pagtitigis ng dugo ni Jesus?
18 Ang mga tunay na Kristiyano ay wala sa ilalim ng Kautusang Mosaiko at sa gayo’y hindi naghahandog ng mga haing hayop at hindi naglalagay ng dugo ng hayop sa altar. (Hebreo 10:1) Gayunman, ang paggamit ng dugo sa altar noong panahon ng sinaunang Israel ay lumalarawan sa mahalagang hain ng Anak ng Diyos, si Jesu-Kristo. Gaya ng natutuhan natin sa Kabanata 5 ng aklat na ito, ibinigay ni Jesus ang kaniyang buhay bilang tao para sa atin sa pamamagitan ng pagtitigis ng kaniyang dugo bilang hain. Pagkatapos ay umakyat siya sa langit at iniharap sa Diyos nang minsanan ang halaga ng kaniyang itinigis na dugo. (Hebreo 9:11, 12) Iyan ang naging saligan sa kapatawaran ng ating mga kasalanan at nagbukas ng daan upang magtamo tayo ng buhay na walang hanggan. (Mateo 20:28; Juan 3:16) Tunay ngang napakahalaga ng pagkakagamit sa dugong iyon! (1 Pedro 1:18, 19) Makapagtatamo tayo ng kaligtasan tanging sa pamamagitan ng pananampalataya sa halaga ng itinigis na dugo ni Jesus.
19. Ano ang dapat nating gawin upang maging “malinis sa dugo ng lahat ng tao”?
19 Talaga ngang makapagpapasalamat tayo nang lubusan sa Diyos na Jehova sa maibiging kaloob na buhay! At hindi ba iyan ang dapat mag-udyok sa atin na sabihin sa iba ang tungkol sa pagkakataong magtamo ng buhay na walang hanggan salig sa pananampalataya sa hain ni Jesus? Ang makadiyos na pagmamalasakit sa buhay ng ating kapuwa ang magpapakilos sa atin na gawin ito nang may pananabik at sigasig. (Ezekiel 3:17-21) Kung masikap nating gaganapin ang pananagutang ito, masasabi natin ang gaya ng nasabi ni apostol Pablo: “Ako ay malinis sa dugo ng lahat ng tao, sapagkat hindi ko ipinagkait na sabihin sa inyo ang lahat ng layunin ng Diyos.” (Gawa 20:26, 27) Ang pagsasabi sa mga tao tungkol sa Diyos at sa kaniyang mga layunin ay isang mainam na paraan upang ipakita na may matindi tayong paggalang sa buhay at dugo.
^ par. 16 Para sa impormasyon hinggil sa mga alternatibo sa pagsasalin ng dugo, tingnan ang kabanata na pinamagatang “De-kalidad na mga Panghalili sa Pagsasalin” sa brosyur na Papaano Maililigtas ng Dugo ang Inyong Buhay? na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.