Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAGPAPASIMULA NG PAKIKIPAG-USAP

ARALIN 3

Mabait

Mabait

Prinsipyo: “Ang pag-ibig ay . . . mabait.”—1 Cor. 13:4.

Ang Ginawa ni Jesus

1. Panoorin ang VIDEO, o basahin ang Juan 9:1-7. Pagkatapos, pag-isipan ang sumusunod na mga tanong:

  1. Ano muna ang ginawa ni Jesus—pinagaling ang bulag o sinabi sa kaniya ang mabuting balita?—Tingnan ang Juan 9:35-38.

  2. Bakit kaya nakatulong ang ginawa ni Jesus para makinig ang lalaki sa mabuting balita?

Ang Matututuhan Natin kay Jesus

2. Mas malamang na makinig ang kausap natin kapag naramdaman niyang nagmamalasakit tayo sa kaniya.

Tularan si Jesus

3. Magpakita ng empatiya. Isipin kung ano ang nararamdaman niya.

  1. Pag-isipan: ‘Ano kaya ang mga ikinababahala niya? Anong paksa kaya ang makakatulong sa kaniya at magugustuhan niya?’ Kung gagawin mo iyan, magiging mula sa puso ang kabaitang ipinapakita mo.

  2. Pakinggan siya para maipakita mong mahalaga sa iyo ang sinasabi niya. Kung magsabi siya ng niloloob o problema niya, huwag ibahin ang usapan.

4. Maging mabait at magalang sa pakikipag-usap. Kapag nagmamalasakit ka sa kaniya at gusto mo talaga siyang tulungan, mahahalata iyon sa boses mo. Pag-isipan ang sasabihin mo at kung paano mo iyon sasabihin, at iwasan ang mga salitang makakasakit sa kaniya.

5. Tumulong. Humanap ng mga pagkakataon para matulungan siya. Puwedeng maging daan iyon para makipag-usap siya sa iyo.