Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

BAHAGI 7

Sino si Jesus?

Sino si Jesus?

Isinugo ni Jehova si Jesus sa lupa. 1 Juan 4:9

Kung gusto nating mapasaya si Jehova, dapat tayong makinig sa isa pang importanteng persona. Bago pa lalangin si Adan, matagal nang nilalang ni Jehova ang isang makapangyarihang espiritu sa langit.

Nang maglaon, pinangyari ni Jehova na maisilang ito ng birheng si Maria sa Betlehem. Jesus ang ipinangalan sa kaniya.​—Juan 6:38.

Bilang tao, tinularang mabuti ni Jesus ang mga katangian ng Diyos. Siya ay mabait, mapagmahal, at madaling lapitan. Buong tapang niyang itinuro sa iba ang katotohanan tungkol kay Jehova.

Gumawa ng mabuti si Jesus pero kinapootan siya. 1 Pedro 2:21-24

Pinagaling din ni Jesus ang mga maysakit at bumuhay siya ng mga patay.

Nagalit kay Jesus ang mga lider ng relihiyon dahil ibinunyag niya ang kanilang kasamaan at maling mga turo.

Sinulsulan ng mga lider ng relihiyon ang mga tagapamahalang Romano na hagupitin at patayin si Jesus.