Review ng Seksiyon 1
Talakayin ninyo ng nagtuturo sa iyo ang mga tanong na ito:
Anong pangako sa Bibliya tungkol sa hinaharap ang pinakagusto mo?
(Tingnan ang Aralin 02.)
Bakit ka naniniwala na Salita ng Diyos ang Bibliya?
Bakit mahalagang gamitin ang pangalan ni Jehova?
(Tingnan ang Aralin 04.)
Sinasabi ng Bibliya na ang Diyos ang “bukal ng buhay.” (Awit 36:9) Naniniwala ka ba riyan?
(Tingnan ang Aralin 06.)
Basahin ang Kawikaan 3:32.
Bakit si Jehova ang pinakamabuting Kaibigan?
Ano ang gusto ni Jehova na gawin ng mga kaibigan niya? Sa tingin mo, kaya ba nating gawin iyon?
Basahin ang Awit 62:8.
Anong mga bagay ang naipanalangin mo na kay Jehova? Ano pa ang puwede mong ipanalangin sa kaniya?
Paano sinasagot ni Jehova ang mga panalangin?
(Tingnan ang Aralin 09.)
Basahin ang Hebreo 10:24, 25.
Paano makakatulong sa iyo ang mga pulong ng mga Saksi ni Jehova?
Sa tingin mo, sulit ba ang mga pagsisikap mo na dumalo sa mga pulong?
(Tingnan ang Aralin 10.)
Bakit mahalagang regular na basahin ang Bibliya? Ano ang iskedyul mo ng pagbabasa ng Bibliya?
(Tingnan ang Aralin 11.)
Ano ang pinakanagustuhan mo sa pag-aaral mo ng Bibliya?
Mula nang mag-aral ka ng Bibliya, mayroon ka bang naging problema? Ano ang nakatulong sa iyo na patuloy na mag-aral?
(Tingnan ang Aralin 12.)