Ano ang Itinuturo sa Atin ng Bibliya?

Ang pantulong na ito sa pag-aaral ng Bibliya ay dinisenyo para malaman mo ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa iba’t ibang paksa, gaya ng kung bakit tayo nagdurusa, kung ano ang nangyayari sa atin kapag namatay tayo, kung paano magiging masaya ang pamilya, at iba pa.

Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Atin?

Baka maisip mo kung bakit napakaraming problema sa ngayon. Itinuturo ng Bibliya na malapit nang kumilos ang Diyos para alisin ang mga problema ng tao gaya ng pagdurusa, sakit, at kamatayan.

KABANATA 1

Sino ang Diyos?

Sa tingin mo, nagmamalasakit kaya sa iyo ang Diyos? Alamin ang mga katangian niya at kung paano ka magiging kaibigan ng Diyos.

KABANATA 2

Ang Bibliya—Isang Aklat Galing sa Diyos

Paano ka matutulungan ng Bibliya na makayanan ang mga problema mo? Bakit ka makapagtitiwala sa mga hula nito?

KABANATA 3

Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Tao?

Ano ang magiging buhay sa bagong sanlibutan kapag paraiso na ang lupa?

KABANATA 4

Sino si Jesu-Kristo?

Alamin kung bakit si Jesus ang ipinangakong Mesiyas, kung saan siya nagmula, at kung bakit siya ang kaisa-isang Anak ni Jehova.

KABANATA 5

Ang Pantubos—Pinakamahalagang Regalo ng Diyos

Ano ang pantubos? Paano ka makikinabang dito?

KABANATA 6

Saan Tayo Napupunta Kapag Namatay Tayo?

Alamin ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa kung saan napupunta ang mga patay at kung bakit namamatay ang tao.

KABANATA 7

Magkakaroon ng Pagkabuhay-Muli!

Namatayan ka na ba ng mahal sa buhay? Puwede pa ba natin silang makitang muli? Alamin ang itinuturo ng Bibliya tungkol sa pagkabuhay-muli.

KABANATA 8

Ano ang Kaharian ng Diyos?

Marami ang nakakaalam ng Panalangin ng Panginoon. Ano ang ibig sabihin ng pananalitang: “Dumating nawa ang Kaharian mo”?

KABANATA 9

Malapit Na Ba ang Katapusan ng Mundo?

Alamin kung paano pinatutunayan ng mga ugali at paggawi ng tao sa ngayon na nabubuhay na tayo sa panahon bago ang katapusan ng mundo, gaya ng inihula ng Bibliya.

KABANATA 10

Ang Katotohanan Tungkol sa mga Anghel

May sinasabi ang Bibliya tungkol sa mga anghel at mga demonyo. Mayroon ba talagang mga espiritung nilalang? Kaya ba nila tayong tulungan o saktan?

KABANATA 11

Bakit Napakaraming Pagdurusa?

Sinisisi ng marami ang Diyos dahil sa pagdurusa sa mundo. Ano sa tingin mo? Alamin ang sinasabi ng Diyos na dahilan ng pagdurusa.

KABANATA 12

Paano Ka Magiging Kaibigan ng Diyos?

Puwede kang mamuhay sa paraang nakalulugod kay Jehova. Ang totoo, puwede ka niyang maging kaibigan.

KABANATA 13

Pahalagahan ang Regalong Buhay

Ano ang pananaw ng Diyos sa aborsiyon, pagsasalin ng dugo, at buhay ng hayop?

KABANATA 14

Puwedeng Maging Masaya ang Pamilya Mo

Ang pag-ibig na ipinakita ni Jesus ay isang halimbawang dapat tularan ng mga asawang lalaki, asawang babae, magulang, at anak. Ano ang matututuhan natin sa kaniya?

KABANATA 15

Ang Tamang Paraan ng Pagsamba sa Diyos

Alamin ang anim na bagay na tutulong sa atin para makilala ang tunay na relihiyon.

KABANATA 16

Piliing Sambahin ang Diyos

Anong mga hamon ang puwedeng mapaharap sa iyo kapag sinasabi mo sa iba ang paniniwala mo? Paano mo ito magagawa nang hindi sila masasaktan?

KABANATA 17

Ang Pribilehiyong Panalangin

Nakikinig ba ang Diyos sa panalangin mo? Para masagot ang tanong na iyan, kailangan mong maintindihan ang itinuturo ng Bibliya tungkol sa panalangin.

KABANATA 18

Dapat Ba Akong Mag-alay sa Diyos at Magpabautismo?

Ano ang kailangan mong gawin para mabautismuhan? Alamin kung ano ang ibig sabihin nito at kung paano ito ginagawa.

KABANATA 19

Manatiling Malapít kay Jehova

Paano natin maipapakitang mahal natin ang Diyos at nagpapasalamat tayo sa ginawa niya?

Karagdagang Impormasyon

Kahulugan ng mga salita at parirala na ginamit sa aklat na Ano ang Itinuturo sa Atin ng Bibliya?