KABANATA 11
Bakit Napakaraming Pagdurusa?
1, 2. Ano ang itinatanong ng marami?
WINASAK ng tsunami ang isang nayon. Namaril ang isang lalaki sa loob ng simbahan, at marami ang nasugatan at namatay. Namatay ang isang nanay dahil sa kanser, kaya naulila ang limang anak niya.
2 Kapag nangyari ang ganitong mga sakuna o trahedya, marami ang nagtatanong, “Bakit?” Itinatanong nila kung bakit punô ng galit at pagdurusa ang mundong ito. Naitanong mo na rin ba iyan?
3, 4. (a) Ano ang mga itinanong ni Habakuk? (b) Ano ang sagot sa kaniya ni Jehova?
3 Sa Bibliya, nagtanong din ang ilang lalaking may matibay na pananampalataya sa Diyos ng ganiyang mga tanong. Halimbawa, tinanong ni propeta Habakuk si Jehova: “Bakit mo ipinapakita sa akin ang kasamaan? At bakit mo hinahayaan ang pang-aapi? Bakit nasa harap ko ang pagkawasak at karahasan? At bakit laganap ang pag-aaway at labanan?”—Habakuk 1:3.
4 Sa Habakuk 2:2, 3, mababasa natin ang sagot ng Diyos kay Habakuk at ang pangakong aayusin Niya ang mga bagay-bagay. Mahal na mahal ni Jehova ang mga tao. Sinasabi ng Bibliya: “Nagmamalasakit siya sa inyo.” (1 Pedro 5:7) Kung ayaw nating makitang nagdurusa ang mga tao, lalo na ang Diyos. (Isaias 55:8, 9) Kaya pag-usapan natin ang tanong na, Bakit napakaraming pagdurusa sa mundo?
BAKIT NAPAKARAMING PAGDURUSA SA MUNDO?
5. Ano ang sinasabi ng mga guro ng relihiyon tungkol sa pagdurusa? Pero ano ang itinuturo ng Bibliya?
5 Madalas sabihin ng mga pastor, pari, at mga guro ng relihiyon na kalooban ng Diyos na magdusa ang tao. Baka sabihin ng ilan na itinakda na ng Diyos ang lahat ng nangyayari sa isang tao, kasama na ang mga trahedya, at hindi natin kailanman maiintindihan kung bakit. Baka sabihin naman ng iba na namamatay ang mga tao, pati na ang mga bata, para makasama sila ng Diyos sa langit. Pero hindi totoo iyan. Hindi si Jehova ang dahilan ng masasamang bagay. Sinasabi ng Bibliya: “Imposibleng gumawa ng masama ang tunay na Diyos; hinding-hindi gagawa ng mali ang Makapangyarihan-sa-Lahat!”—Job 34:10.
6. Bakit ang Diyos ang sinisisi ng marami sa lahat ng pagdurusa sa mundo?
6 Sinisisi ng marami ang Diyos sa lahat ng pagdurusa sa mundo dahil inaakala nilang ang Diyos ang namamahala sa mundo. Pero natutuhan natin sa Kabanata 3 na ang talagang namamahala sa mundo ay si Satanas na Diyablo.
7, 8. Bakit napakaraming pagdurusa sa mundo?
7 Sinasabi ng Bibliya na “ang buong mundo ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng isa na masama.” (1 Juan 5:19) Ang tagapamahala ng mundong ito, si Satanas, ay mabangis at malupit. ‘Inililigaw niya ang buong mundo.’ (Apocalipsis 12:9) Marami ang gumagaya sa kaniya. At isa lang iyan sa mga dahilan kung bakit ang mundo ay punô ng kasinungalingan, galit, at kalupitan.
8 May iba pang dahilan kung bakit napakaraming pagdurusa sa mundo. Pagkatapos magrebelde nina Adan at Eva, naipasa nila ang kasalanan sa mga anak nila. At dahil sa kasalanan, nagdurusa ang iba sa kagagawan ng kapuwa nila. Kadalasan, gusto nilang maging mas importante Eclesiastes 4:1; 8:9) Kung minsan, nagdurusa ang mga tao dahil sa “panahon at di-inaasahang pangyayari.” (Eclesiastes 9:11) May mga naaaksidente dahil nagkataong nasa maling lugar sila.
kaysa sa iba. Nag-aaway sila, sumasali sa digmaan, at nang-aapi. (9. Bakit tayo makakatiyak na may mabuting dahilan si Jehova kung bakit niya hinahayaang magpatuloy ang pagdurusa?
9 Hindi si Jehova ang dahilan ng pagdurusa. Hindi siya ang dapat sisihin sa mga digmaan, krimen, at kawalang-katarungan. Hindi siya ang dahilan ng mga sakuna gaya ng lindol, bagyo, at baha. Pero baka maisip mo, ‘Kung si Jehova ang pinakamakapangyarihan sa uniberso, bakit hinahayaan niyang mangyari ang masasamang bagay?’ Alam natin na talagang nagmamalasakit ang Diyos sa atin, kaya tiyak na may mabuti siyang dahilan kung bakit niya hinahayaang magpatuloy ang pagdurusa.—1 Juan 4:8.
KUNG BAKIT HINAHAYAAN NG DIYOS ANG PAGDURUSA
10. Ano ang akusasyon ni Satanas kay Jehova?
10 Sa hardin ng Eden, dinaya ng Diyablo sina Adan at Eva. Inakusahan ni Satanas ang Diyos na isang masamang Tagapamahala. Sinabi niyang ang Diyos ay may ipinagkakait na mabuti kina Adan at Eva. Gusto ni Satanas na maniwala sila na mas mahusay siyang tagapamahala kaysa kay Jehova at na hindi nila kailangan ang Diyos.—Genesis 3:2-5; tingnan ang Karagdagang Impormasyon 27.
11. Anong tanong ang kailangan nating sagutin?
11 Sinuway nina Adan at Eva si Jehova at nagrebelde sa kaniya. Inisip nilang may karapatan silang magdesisyon kung ano ang tama at mali para sa sarili nila. Paano mapapatunayan ni Jehova na mali sila at na alam niya kung ano ang pinakamabuti para sa atin?
12, 13. (a) Bakit hindi agad pinuksa ni Jehova ang mga rebelde? (b) Bakit hinayaan ni Jehova si Satanas na maging tagapamahala ng mundong ito? Bakit niya hinayaan ang mga tao na mamahala sa sarili nila?
Genesis 1:28; Isaias 55:10, 11.
12 Hindi agad pinuksa ni Jehova sina Adan at Eva. Hinayaan niya silang magkaroon ng mga anak. Pagkatapos, hinayaan ni Jehova ang mga anak nina Adan at Eva na pumili kung sino ang gusto nilang maging tagapamahala. Layunin ni Jehova na mapuno ang lupa ng mga perpektong tao, at mangyayari iyon anuman ang gawin ng Diyablo.—13 Inakusahan ni Satanas si Jehova sa harap ng milyon-milyong anghel. (Job 38:7; Daniel 7:10) Kaya binigyan ni Jehova si Satanas ng panahon para patunayan ang akusasyon niya. Binigyan din niya ng pagkakataon ang mga tao na mamahala sa ilalim ng impluwensiya ni Satanas para malaman kung magtatagumpay sila kahit walang tulong ng Diyos.
14. Ano ang napatunayan sa paglipas ng panahon?
14 Sa loob ng libo-libong taon, pinamahalaan ng mga tao ang sarili nila, pero bigo sila. Napatunayang sinungaling si Satanas. Talagang kailangan ng tao ang tulong ng Diyos. Tama ang sinabi ni propeta Jeremias: “Alam na alam ko, O Jehova, na ang landasin ng isang tao ay hindi sa kaniya. Hindi para sa taong lumalakad ang ituwid man lang ang sarili niyang hakbang.”—Jeremias 10:23.
BAKIT NAGHINTAY SI JEHOVA NANG NAPAKATAGAL?
15, 16. (a) Bakit hinayaan ni Jehova na magpatuloy nang napakatagal ang pagdurusa? (b) Bakit hindi inayos ni Jehova ang problemang ginawa ni Satanas?
15 Bakit hinayaan ni Jehova na magpatuloy nang napakatagal ang pagdurusa? Bakit hindi niya pinipigilan ang masasamang bagay? Kinailangan ng panahon para
patunayang bigo ang pamamahala ni Satanas. Sinubukan na ng tao ang iba’t ibang uri ng gobyerno, pero bigo pa rin sila. Kahit nagkaroon ng pagsulong sa siyensiya at teknolohiya, mas dumami pa ang kawalang-katarungan, kahirapan, krimen, at digmaan. Hindi magtatagumpay ang pamamahala ng tao kung wala ang tulong ng Diyos.16 Pero hindi inayos ni Jehova ang problemang ginawa ni Satanas. Kung ginawa niya iyon, para na rin niyang sinuportahan ang pamamahala ni Satanas, at hindi Niya kailanman gagawin iyon. Isa pa, iisipin ng mga tao na kaya nilang pamahalaan ang sarili nila. Pero kasinungalingan iyan, at hindi iyan susuportahan ni Jehova, dahil hindi siya kailanman nagsisinungaling.—Hebreo 6:18.
17, 18. Ano ang gagawin ni Jehova sa lahat ng pinsalang ginawa ni Satanas?
17 Kaya bang ayusin ni Jehova ang lahat ng pinsalang ginawa ng rebelyon ni Satanas at ng mga tao? Oo, dahil walang imposible sa Diyos. Alam ni Jehova kung kailan masasagot ang lahat ng akusasyon ni Satanas. Pagkatapos, gagawin niyang paraiso ang lupa, gaya ng layunin niya. Lahat ng nasa mga “libingan” ay bubuhaying muli. (Juan 5:28, 29) Hindi na magkakasakit o mamamatay ang mga tao. Aayusin ni Jesus ang lahat ng pinsalang ginawa ni Satanas. Gagamitin ni Jehova si Jesus “para sirain ang mga gawa ng Diyablo.” (1 Juan 3:8) Nagpapasalamat tayo na dahil sa patuloy na pagtitiis ni Jehova, may pagkakataon tayong makilala siya at piliin siya bilang ating Tagapamahala. (Basahin ang 2 Pedro 3:9, 10.) At kapag nagdurusa tayo, tinutulungan niya tayong makayanan ito.—Juan 4:23; basahin ang 1 Corinto 10:13.
18 Hindi tayo pinipilit ni Jehova na piliin siya bilang
ating Tagapamahala. Binigyan niya ang tao ng isang mahalagang regalo—ang kalayaang magdesisyon. Pag-usapan natin kung ano ang kahulugan nito para sa atin.PAANO MO GAGAMITIN ANG KALAYAANG MAGDESISYON?
19. Ano ang ibinigay sa atin ni Jehova? Bakit dapat natin itong ipagpasalamat?
19 Dahil binigyan tayo ni Jehova ng kalayaang magdesisyon, ibang-iba tayo sa mga hayop. Kumikilos ang mga hayop dahil lang sa kanilang instinct. Pero may kakayahan tayong pumili kung ano ang gusto nating gawin sa buhay natin at magdesisyon kung gusto nating pasayahin si Jehova. (Kawikaan 30:24) Hindi rin tayo parang robot na kumikilos lang ayon sa pagkakadisenyo rito. Malaya tayong magpasiya kung ano ang gusto nating gawin sa buhay at kung sino ang gusto nating maging kaibigan. Gusto ni Jehova na maging masaya tayo.
20, 21. Ano ang pinakamagandang desisyon na magagawa mo ngayon?
20 Gusto ni Jehova na mahalin natin siya. (Mateo 22:37, 38) Katulad siya ng isang tatay na tuwang-tuwa kapag sinabihan siya ng anak niya ng “Mahal ko po kayo,” dahil gusto niya itong sabihin, hindi dahil pinilit siya. Binigyan tayo ni Jehova ng kalayaang pumili kung paglilingkuran natin siya o hindi. Pinili nina Satanas, Adan, at Eva na itakwil si Jehova. Paano mo gagamitin ang iyong kalayaang magdesisyon?
21 Gamitin mo ang kalayaang magdesisyon para paglingkuran si Jehova. Milyon-milyon ang nagpasiyang pasayahin ang Diyos at itakwil si Satanas. (Kawikaan 27:11) Ano ang magagawa mo ngayon para makapasok ka sa bagong sanlibutan ng Diyos kung saan wala nang pagdurusa? Sasagutin iyan ng susunod na kabanata.