Apocalipsis kay Juan 15:1-8

15  At nakita ko sa langit ang isa pang tanda, na dakila at kamangha-mangha, pitong anghel+ na may pitong salot. Ang mga ito na ang huli, dahil sa pamamagitan nila ay darating sa katapusan ang galit ng Diyos.+ 2  At nakita ko ang gaya ng isang malasalaming dagat+ na may halong apoy, at nakatayo sa tabi ng malasalaming dagat ang mga nagtagumpay+ laban sa mabangis na hayop at sa estatuwa nito+ at sa numero ng pangalan nito,+ na may hawak na mga alpa ng Diyos. 3  Inaawit nila ang awit ni Moises+ na alipin ng Diyos at ang awit ng Kordero,+ na nagsasabi: “Dakila at kamangha-mangha ang iyong mga gawa,+ Diyos na Jehova,* ang Makapangyarihan-sa-Lahat.+ Matuwid at totoo ang iyong mga daan,+ Haring walang hanggan.+ 4  O Jehova,* sino ang hindi matatakot sa iyo at luluwalhati sa pangalan mo, dahil ikaw lang ang tapat?+ Ang lahat ng bansa ay lalapit at sasamba sa harap mo,+ dahil ang iyong matuwid na mga batas ay nahayag na.” 5  Pagkatapos nito, nakita kong nabuksan sa langit ang santuwaryo ng tolda ng patotoo,+ 6  at ang pitong anghel na may pitong salot+ ay lumabas mula sa santuwaryo, na nakasuot ng malinis at maningning na lino at may gintong pamigkis sa dibdib nila. 7  Ang isa sa apat na buháy na nilalang ay nagbigay sa pitong anghel ng pitong gintong mangkok na punô ng galit ng Diyos,+ na nabubuhay nang walang hanggan. 8  At ang santuwaryo ay napuno ng usok dahil sa kaluwalhatian ng Diyos+ at dahil sa kapangyarihan niya, at walang sinumang makapasok sa santuwaryo hanggang sa matapos ang pitong salot+ ng pitong anghel.

Talababa

Tingnan ang Ap. A5.
Tingnan ang Ap. A5.

Study Notes

Media