Mga Awit 101:1-8

Awit ni David. 101  Aawit ako tungkol sa tapat na pag-ibig at katarungan. O Jehova, aawit ako sa iyo ng mga papuri.*  2  Kikilos ako nang may katalinuhan at walang pagkukulang.* Kailan ka darating? Lalakad ako nang may tapat na puso+ sa loob ng aking bahay.  3  Hindi ako titingin sa* anumang bagay na walang kabuluhan.* Kinapopootan ko ang mga ginagawa ng mga taong lumilihis sa tama;+Hindi ako makikisangkot sa mga iyon.  4  Ang masamang puso ay malayo sa akin;Hindi ko tatanggapin* ang anumang masama.  5  Ang sinumang lihim na naninirang-puri sa kapuwa niya+Ay patatahimikin* ko. Ang sinumang may mapagmataas na mata at hambog na pusoAy hindi ko kukunsintihin.  6  Titingin ako sa mga tapat sa lupa,Para makapanirahan silang kasama ko. Ang lumalakad nang walang pagkukulang* ang maglilingkod sa akin.  7  Walang mapanlinlang na titira sa bahay ko.At walang sinungaling na tatayo sa harap ko.*  8  Tuwing umaga ay patatahimikin* ko ang lahat ng masasama sa lupa,Para malipol ang lahat ng gumagawa ng masama mula sa lunsod ni Jehova.+

Talababa

O “aawit ako at tutugtog para sa iyo.”
O “at katapatan.”
Lit., “Hindi ako maglalagay sa harap ng mga mata ko ng.”
O “na kasuklam-suklam.”
Lit., “aalamin.”
O “pupuksain.”
O “nang tapat.”
Lit., “sa harap ng mga mata ko.”
O “pupuksain.”

Study Notes

Media