Mga Awit 61:1-8
Sa direktor; aawitin sa saliw ng mga instrumentong de-kuwerdas. Awit ni David.
61 Dinggin mo, O Diyos, ang paghingi ko ng tulong.
Pakinggan mo ang panalangin ko.+
2 Mula sa dulo ng lupa ay tatawag ako sa iyoKapag nagdurusa* ang puso ko.+
Akayin mo ako sa bato na mas mataas kaysa sa akin.+
3 Dahil ikaw ang kanlungan ko,Isang matibay na tore na poprotekta sa akin mula sa kaaway.+
4 Ako ay magiging panauhin sa iyong tolda magpakailanman;+Manganganlong ako sa lilim ng iyong mga pakpak.+ (Selah)
5 Dahil pinakinggan mo ang mga panata ko, O Diyos.
Ibinigay mo sa akin ang manang nakalaan sa mga natatakot sa pangalan mo.+
6 Pahahabain mo ang buhay* ng hari,+At aabot ng maraming henerasyon ang mga taon ng buhay niya.
7 Mananatili siya sa kaniyang trono* magpakailanman sa harap ng Diyos;+Ingatan nawa siya ng iyong tapat na pag-ibig at katapatan.+
8 At aawit ako ng mga papuri* sa pangalan mo magpakailanman+Habang tinutupad ko ang mga panata ko araw-araw.+
Talababa
^ O “nanghihina.”
^ Lit., “Daragdagan mo ng mga araw ang mga araw.”
^ O “Maninirahan siya.”
^ O “aawit ako at tutugtog para.”