Isaias 35:1-10
35 Ang ilang at ang tuyong lupain ay magsasaya,+At ang tigang na kapatagan ay magagalak at mamumulaklak na gaya ng safron.*+
2 Tiyak na mamumulaklak iyon;+Magsasaya iyon at hihiyaw sa kagalakan.
Ibibigay roon ang kaluwalhatian ng Lebanon,+Ang karilagan ng Carmel+ at ng Saron.+
Makikita nila ang kaluwalhatian ni Jehova, ang karilagan ng ating Diyos.
3 Palakasin ninyo ang mahihinang kamay,At patatagin ninyo ang mga tuhod na nangangatog.+
4 Sabihin ninyo sa mga may pusong nababahala:
“Magpakatatag kayo. Huwag kayong matakot.
Ang inyong Diyos ay darating para pagbayarin ang kaaway,Darating ang Diyos at maghihiganti.+
Darating siya at ililigtas niya kayo.”+
5 Sa panahong iyon, madidilat ang mga mata ng bulag,+At mabubuksan ang mga tainga ng bingi.+
6 Sa panahong iyon, ang pilay ay tatalon gaya ng usa,+At ang dila ng pipi ay hihiyaw sa kagalakan.+
Bubukal ang tubig sa ilang,At ang mga ilog sa tigang na kapatagan.
7 Ang lupang natuyo sa init ay magiging lawa na may mga halaman,At ang lupang uhaw ay magiging mga bukal ng tubig.+
Sa lugar kung saan nagpapahinga ang mga chakal+Ay magkakaroon ng berdeng damo, mga tambo, at mga papiro.
8 At magkakaroon doon ng lansangang-bayan,+Isang daan na tinatawag na Daan ng Kabanalan.
Hindi dadaan doon ang marumi.+
Para lang iyon sa mga pinahintulutang lumakad doon;Walang mangmang na maliligaw roon.
9 Hindi magkakaroon doon ng leon,At hindi pupunta roon ang mababangis na hayop.
Hindi sila makikita roon;+Ang mga tinubos lang ang lalakad doon.+
10 Ang mga tinubos ni Jehova ay babalik+ at pupunta sa Sion nang humihiyaw sa kagalakan.+
Kokoronahan sila ng walang-hanggang kaligayahan.+
Magbubunyi sila at magsasaya,At maglalaho ang pagdadalamhati at pagbubuntonghininga.+
Talababa
^ Isang uri ng bulaklak.