Jeremias 50:1-46
50 Ang salita na sinabi ni Jehova tungkol sa Babilonya,+ tungkol sa lupain ng mga Caldeo, sa pamamagitan ng propetang si Jeremias:
2 “Sabihin ninyo iyon sa gitna ng mga bansa at ipahayag ninyo.
Maglagay kayo ng isang palatandaan* at ipahayag ninyo iyon.
Huwag kayong maglihim ng anuman!
Sabihin ninyo, ‘Ang Babilonya ay nabihag.+
Si Bel ay napahiya.+
Si Merodac ay natakot.
Napahiya ang mga imahen niya.
Ang kasuklam-suklam na mga idolo* niya ay natakot.’
3 Dahil isang bansa mula sa hilaga ang sumalakay sa kaniya.+
Ginawa nitong nakapangingilabot ang lupain niya;Walang naninirahan sa kaniya.
Tumakas ang tao at ang hayop;Wala na sila.”
4 “Sa mga araw na iyon at sa panahong iyon,” ang sabi ni Jehova, “ang bayan ng Israel at ang bayan ng Juda ay magsasama-sama.+ Maglalakad silang umiiyak,+ at sama-sama nilang hahanapin si Jehova na kanilang Diyos.+
5 Itatanong nila ang daan papunta sa Sion habang nakaharap sa direksiyong iyon,+ at sasabihin nila, ‘Halikayo, makipagkasundo tayo kay Jehova sa isang walang-hanggang tipan na hindi malilimutan.’+
6 Ang bayan ko ay naging isang kawan ng nawawalang mga tupa.+ Iniligaw sila ng sarili nilang mga pastol.+ Dinala sila ng mga iyon sa mga bundok, at nagpagala-gala sila sa mga bundok at burol. Nalimutan na nila ang kanilang pahingahan.
7 Nilalapa sila ng lahat ng nakakakita sa kanila,+ at sinabi ng mga kalaban nila, ‘Wala kaming kasalanan, dahil nagkasala sila kay Jehova, sa tahanan ng katuwiran at sa pag-asa ng mga ninuno nila, si Jehova.’”
8 “Tumakas kayo mula sa Babilonya,Umalis kayo sa lupain ng mga Caldeo,+At maging gaya kayo ng mga hayop na nangunguna sa kawan.
9 Dahil laban sa Babilonya ay magbabangon akoNg nagsama-samang dakilang mga bansa mula sa lupain ng hilaga.+
Hahanay sila para makipagdigma sa kaniya;Mula roon ay bibihagin siya.
Ang mga pana nila ay gaya ng mga pana ng mandirigmaNa pumapatay ng mga anak;+Hindi bumabalik ang mga iyon nang walang resulta.
10 Ang Caldea ay magiging samsam.+
Lahat ng nananamsam sa kaniya ay masisiyahan,”+ ang sabi ni Jehova.
11 “Dahil patuloy kayong nagsasaya,+ patuloy kayong nagbubunyiHabang sinasamsaman ang aking mana.+
Dahil patuloy kayong dumadamba gaya ng dumalagang baka sa damuhan,At patuloy kayong humahalinghing gaya ng mga barakong kabayo.
12 Ang inyong ina ay napahiya.+
Ang nagsilang sa inyo ay nabigo.
Siya ang pinakamaliit sa mga bansa,Isang ilang na walang tubig at isang disyerto.+
13 Dahil sa galit ni Jehova, hindi siya titirhan;+Lubusan siyang magiging tiwangwang.+
Ang sinumang dadaan sa Babilonya ay mapapatitig at mangingilabotAt mapapasipol dahil sa lahat ng salot na dumating sa kaniya.+
14 Sa bawat panig ay humanay kayo para sa pakikipagdigma sa Babilonya,Lahat kayong nagbabaluktot* ng búsog.
Panain ninyo siya, ubusin ninyo ang mga palaso,+Dahil kay Jehova siya nagkasala.+
15 Sa bawat panig ay humiyaw kayo para sa pakikipagdigma sa kaniya.
Sumuko na siya.*
Bumagsak na ang mga haligi niya, nagiba ang mga pader niya,+Dahil iyon ang paghihiganti ni Jehova.+
Maghiganti kayo sa kaniya.
Gawin ninyo sa kaniya kung ano ang ginawa niya.+
16 Tanggalin ninyo ang manghahasik mula sa BabilonyaAt ang humahawak ng karit sa panahon ng pag-aani.+
Dahil sa malupit na espada, ang bawat isa ay babalik sa sarili niyang bayan,Ang bawat isa ay tatakas papunta sa sarili niyang lupain.+
17 “Ang bayang Israel ay nangalat na mga tupa.+ Pinangalat sila ng mga leon.+ Una, nilapa sila ng hari ng Asirya;+ pagkatapos, nginatngat ni Haring Nabucodonosor* ng Babilonya ang mga buto nila.+
18 Kaya ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: ‘Paparusahan ko ang hari ng Babilonya at ang lupain niya gaya ng pagpaparusa ko sa hari ng Asirya.+
19 At ibabalik ko ang Israel sa pastulan niya,+ at manginginain siya sa Carmel at sa Basan,+ at mabubusog siya sa mga bundok ng Efraim+ at ng Gilead.’”+
20 “Sa mga araw na iyon at sa panahong iyon,” ang sabi ni Jehova,“Hahanapan ng kasalanan ang Israel,Pero wala nang makikita,At hindi na makikita ang mga kasalanan ng Juda,Dahil patatawarin ko ang mga hinayaan kong mabuhay.”+
21 “Salakayin mo ang lupain ng Merataim at ang mga nakatira sa Pekod.+
Hayaan mo silang mapatay at malipol,”* ang sabi ni Jehova.
“Gawin mo ang lahat ng iniutos ko sa iyo.
22 May ingay ng digmaan sa lupain,Isang malaking kapahamakan.
23 Naputol at nabali ang martilyong pampanday ng buong lupa!+
Ang Babilonya ay naging nakapangingilabot sa mga bansa!+
24 Naglagay ako ng bitag para sa iyo, at nahuli ka, O Babilonya,At hindi mo alam iyon.
Nahuli ka at nabihag,+Dahil si Jehova ang kinalaban mo.
25 Binuksan ni Jehova ang imbakan niya,At inilalabas niya ang mga sandata ng galit niya.+
Dahil ang Kataas-taasang Panginoon, si Jehova ng mga hukbo, ay may gagawinSa lupain ng mga Caldeo.
26 Salakayin ninyo siya mula sa malalayong lugar.+
Buksan ninyo ang mga imbakan niya.+
Ibunton mo siyang gaya ng mga bunton ng butil.
Lubusan mo siyang wasakin.*+
Wala sanang matira sa kaniya.
27 Patayin ninyo ang lahat ng kaniyang batang toro;+Dalhin ninyo sila sa katayan.
Kaawa-awa sila, dahil dumating na ang araw nila,Ang panahon ng pagpaparusa sa kanila!
28 Maririnig ang ingay ng mga tumatakas,Ng mga tumatakas mula sa lupain ng Babilonya,Para ihayag sa Sion ang paghihiganti ni Jehova na ating Diyos,Ang paghihiganti para sa kaniyang templo.+
29 Tumawag kayo ng mga mamamanà laban sa Babilonya,Ang lahat ng nagbabaluktot* ng búsog.+
Magkampo kayo sa palibot niya; huwag ninyong hayaang may makatakas.
Gantihan ninyo siya ayon sa ginawa niya.+
Gawin ninyo sa kaniya kung ano ang ginawa niya.+
Dahil nagmataas siya kay Jehova,Laban sa Banal ng Israel.+
30 Kaya ang kalalakihan niya ay mabubuwal sa mga liwasan* niya,+At ang lahat ng sundalo niya ay mamamatay* sa araw na iyon,” ang sabi ni Jehova.
31 “Ako ay laban sa iyo,+ ikaw na pangahas,”+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoon, si Jehova ng mga hukbo,“Dahil darating ang araw mo, ang panahon na pananagutin kita.
32 Ikaw na pangahas, matitisod ka at mabubuwal;Walang magbabangon sa iyo.+
Sisilaban ko ang mga lunsod mo,At lalamunin ng apoy ang lahat ng nasa palibot mo.”
33 Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo:
“Ang bayan ng Israel at Juda ay inaapi,At hinawakan silang mahigpit ng lahat ng bumihag sa kanila.+
Ayaw silang palayain ng mga ito.+
34 Pero ang Manunubos nila ay malakas.+
Jehova ng mga hukbo ang pangalan niya.+
Tiyak na ipaglalaban niya ang kaso nila,+Para bigyan ng kapahingahan ang lupain+At magpasapit ng kaguluhan sa mga taga-Babilonya.”+
35 “May espada laban sa mga Caldeo,” ang sabi ni Jehova,“Laban sa mga nakatira sa Babilonya at laban sa kaniyang matataas na opisyal at marurunong na tao.+
36 May espada laban sa mga nagsasalita ng walang katuturan,* at kikilos sila nang may kamangmangan.
May espada laban sa mga mandirigma niya, at sila ay matatakot.+
37 May espada laban sa kanilang mga kabayo at karwaheng pandigmaAt laban sa lahat ng dayuhang kasama nila,At magiging gaya sila ng mga babae.+
May espada laban sa mga kayamanan niya, at sasamsamin ang mga iyon.+
38 Masisira ang palibot ng kaniyang katubigan, at matutuyo ito.+
Dahil iyon ay lupain ng mga inukit na imahen,+At dahil sa nakakatakot na mga pangitain nila ay kumikilos silang parang baliw.
39 Kaya ang mga hayop sa disyerto ay maninirahang kasama ng umaalulong na mga hayop,At sa kaniya maninirahan ang mga avestruz.*+
Hindi na siya paninirahan kailanman,At hindi na siya titirhan ng lahat ng henerasyon.”+
40 “Gaya noong wasakin ng Diyos ang Sodoma at ang Gomorra+ at ang kalapít na mga bayan nito,”+ ang sabi ni Jehova, “walang titira doon; wala nang maninirahan doon.+
41 Isang bayan ang darating mula sa hilaga;Babangon ang isang malaking bansa at ang mga dakilang hari+Mula sa pinakamalalayong bahagi ng lupa.+
42 Pana at diyabelin* ang gamit nila.+
Malupit sila at hindi sila maaawa.+
Ang ingay nila ay gaya ng dagat na dumadaluyong,+Habang nakasakay sila sa mga kabayo nila.
Hahanay silang parang iisang lalaki para makipagdigma sa iyo, O anak na babae ng Babilonya.+
43 Nabalitaan ng hari ng Babilonya ang tungkol sa kanila,+At nanghina ang mga kamay niya.+
Napuno siya ng takot,Ng kirot na gaya ng sa babaeng nanganganak.
44 “Sa ligtas na mga pastulan ay may sasalakay na parang leon mula sa makakapal na palumpong* sa kahabaan ng Jordan, pero bigla ko silang patatakasin mula sa lupain nila. At aatasan kong mamahala rito ang pinili ko.+ Dahil sino ang gaya ko, at sino ang hahamon sa akin? Sinong pastol ang makatatayo sa harap ko?+
45 Kaya pakinggan ninyo ang pasiya* ni Jehova laban sa Babilonya+ at ang iniisip niya laban sa lupain ng mga Caldeo.
Tiyak na kakaladkarin ang maliliit sa kawan.
Gagawin niyang tiwangwang ang tinitirhan nila dahil sa kanila.+
46 Sa ingay ng pagbagsak ng Babilonya ay mayayanig ang lupa,At isang hiyaw ang maririnig sa gitna ng mga bansa.”+
Talababa
^ O “posteng pananda.”
^ Ang terminong Hebreo para dito ay puwedeng iugnay sa isang salita para sa “dumi ng hayop” at isang ekspresyon ng paghamak.
^ Lit., “tumatapak.”
^ Lit., “Ibinigay na niya ang kamay niya.”
^ Lit., “Nabucodorosor,” isa pang ispeling.
^ O “italaga mo sila sa pagkapuksa.”
^ O “Italaga mo siya sa pagkapuksa.”
^ Lit., “tumatapak.”
^ O “plaza.”
^ Lit., “patatahimikin.”
^ O “sa huwad na mga propeta.”
^ Sa Ingles, ostrich.
^ Maikling sibat.
^ Mga halaman at maliliit na puno.
^ O “kalooban.”