Job 2:1-13
2 At dumating ang araw na ang mga anak ng tunay na Diyos*+ ay tumayo sa harap ni Jehova,+ at sumama rin si Satanas para tumayo sa harap ni Jehova.+
2 Sinabi ni Jehova kay Satanas: “Saan ka nanggaling?” Sumagot si Satanas kay Jehova: “Lumibot-libot ako sa lupa at nagpagala-gala roon.”+
3 Sinabi ni Jehova kay Satanas: “Napansin mo ba ang* lingkod kong si Job? Wala siyang katulad sa lupa. Siya ay matuwid at tapat,*+ natatakot siya sa Diyos, at itinatakwil niya ang kasamaan. Tapat pa rin siya+ kahit inuudyukan mo akong pahirapan* siya+ nang walang dahilan.”
4 Pero sumagot si Satanas kay Jehova: “Balat para sa balat. Ibibigay ng isang tao ang lahat ng kaniya para sa buhay niya.
5 Kaya para mapaiba naman, iunat mo ang kamay mo at saktan ang kaniyang buto at laman, at tiyak na susumpain ka niya nang mukhaan.”+
6 Sinabi ni Jehova kay Satanas: “Nasa kamay* mo siya! Huwag mo lang siyang papatayin!”
7 Kaya umalis si Satanas sa harap* ni Jehova at binigyan si Job ng makikirot na bukol*+ mula sa talampakan hanggang sa tuktok ng ulo niya.
8 At kumuha si Job ng isang piraso ng basag na palayok para ipangkayod sa sarili niya, at naupo siya sa abo.+
9 Sinabi sa kaniya ng asawa niya: “Nananatili ka pa rin bang tapat? Sumpain mo ang Diyos para mamatay ka na!”
10 Pero sumagot siya: “Para kang babaeng mangmang kung magsalita. Mabuti lang ba ang tatanggapin natin mula sa tunay na Diyos at hindi ang masama?”+ Sa kabila ng lahat ng dinanas ni Job, hindi siya nagsalita ng masama.*+
11 Nabalitaan ng tatlong kasamahan* ni Job—sina Elipaz+ na Temanita, Bildad+ na Shuhita,+ at Zopar+ na Naamatita—ang lahat ng trahedyang nangyari sa kaniya. Kaya umalis sila sa kani-kaniyang lugar at nagkita-kita para damayan at aliwin si Job.
12 Nang makita nila siya mula sa malayo, hindi nila siya nakilala. At umiyak sila nang malakas at pinunit ang damit nila, at nagsaboy sila ng alabok sa ulo nila.+
13 Umupo sila sa lupa kasama niya nang pitong araw at pitong gabi. Wala silang anumang sinabi sa kaniya, dahil nakita nilang napakatindi ng paghihirap niya.+
Talababa
^ Idyoma sa Hebreo na tumutukoy sa mga anghel.
^ Lit., “Itinuon mo ba ang puso mo sa.”
^ O “at walang kapintasan.”
^ Lit., “lamunin.”
^ O “kontrol.”
^ O “ng malalang mga sugat.”
^ Lit., “mukha.”
^ Lit., “hindi siya nagkasala sa kaniyang mga labi.”
^ O “kakilala.”