Liham ni Santiago 4:1-17
4 Ano ang pinagmumulan ng mga digmaan at ng mga pag-aaway ninyo? Hindi ba nagmumula ang mga iyon sa inyong mga pagnanasa ng laman na nakikipaglaban sa inyo?*+
2 Nagnanasa kayo, pero hindi ninyo nakukuha iyon. Patuloy kayong pumapatay at nag-iimbot,* pero hindi iyon mapasainyo. Patuloy kayong nakikipaglaban at nakikipagdigma.+ Hindi kayo nagkakaroon dahil hindi kayo humihingi.
3 Kapag humihingi naman kayo, hindi kayo nakatatanggap dahil humihingi kayo na may maling intensiyon, para magamit ninyo iyon sa pagnanasa ng inyong laman.
4 Mga mangangalunya,* hindi ba ninyo alam na ang pakikipagkaibigan sa sanlibutan ay pakikipaglaban sa Diyos? Kaya kung gusto ng sinuman na maging kaibigan ng sanlibutan, ginagawa niyang kaaway ng Diyos ang sarili niya.+
5 O iniisip ba ninyo na walang dahilan kung bakit sinabi sa kasulatan: “May tendensiya* tayong patuloy na mainggit at magnasa ng iba’t ibang bagay”?+
6 Gayunman, ang walang-kapantay* na kabaitan na ipinapakita Niya ay mas dakila. Kaya sinasabi ng kasulatan: “Ang Diyos ay laban sa mga mapagmataas,+ pero nagpapakita siya ng walang-kapantay na kabaitan sa mga mapagpakumbaba.”+
7 Kaya magpasakop kayo sa Diyos;+ pero labanan ninyo ang Diyablo,+ at lalayo* siya sa inyo.+
8 Lumapit kayo sa Diyos, at lalapit siya sa inyo.+ Linisin ninyo ang inyong mga kamay, kayong mga makasalanan,+ at linisin ninyo ang puso ninyo,+ kayong mga hindi makapagpasiya.
9 Hayaan ninyong malungkot kayo, magdalamhati, at humagulgol.+ Hayaan ninyong maging pagdadalamhati ang pagtawa ninyo, at maging kalungkutan ang kagalakan ninyo.
10 Magpakababa kayo sa paningin ni Jehova,*+ at itataas niya kayo.+
11 Mga kapatid, tigilan na ninyo ang pagsasalita laban sa isa’t isa.+ Ang sinumang nagsasalita laban sa isang kapatid o humahatol sa kapatid niya ay nagsasalita laban sa kautusan at humahatol sa kautusan. Ngayon, kung hinahatulan mo ang kautusan, hindi ka tagatupad ng kautusan kundi isang hukom.
12 Iisa lang ang Tagapagbigay-Batas at Hukom,+ ang makapagliligtas at makapupuksa.+ Pero ikaw, sino ka para hatulan ang kapuwa mo?+
13 Makinig kayo ngayon, kayong nagsasabi: “Ngayon o bukas ay pupunta kami sa lunsod na ito at mananatili roon nang isang taon, at magnenegosyo kami at kikita,”+
14 samantalang hindi ninyo alam ang magiging buhay ninyo bukas.+ Dahil kayo ay isang singaw na lumilitaw nang sandali at pagkatapos ay naglalaho.+
15 Sa halip, dapat ninyong sabihin: “Kung kalooban ni Jehova,*+ mabubuhay kami at gagawin namin ito o iyon.”
16 Pero ngayon ay ipinagmamalaki ninyo ang inyong kayabangan. Ang lahat ng gayong pagyayabang ay masama.
17 Kaya kung alam ng isang tao kung paano gawin ang tama pero hindi niya ito ginagawa, nagkakasala siya.+
Talababa
^ Lit., “mga bahagi ninyo.”
^ O “nagiging sakim.”
^ O “Kayong mga taksil.”
^ Lit., “espiritu.”
^ O “di-sana-nararapat.”
^ Lit., “tatakas.”