Introduksiyon sa Salita ng Diyos
Ang Bibliya ay naglalaman ng mensahe, o salita, ng Diyos para sa atin sa ngayon. Ipinapakita nito kung paano tayo magiging matagumpay sa buhay at kung paano natin mapasasaya ang Diyos. Sinasagot din nito ang sumusunod na mga tanong:
KUNG PAANO MAGHAHANAP NG MGA TEKSTO SA BIBLIYA
Ang Bibliya ay binubuo ng 66 na maliliit na aklat. Hinati ito sa dalawang bahagi: ang Kasulatang Hebreo-Aramaiko (“Lumang Tipan”) at ang Griegong Kasulatan (“Bagong Tipan”). Ang bawat aklat ng Bibliya ay hinati sa mga kabanata at talata. Kapag may binanggit na teksto, ang unang numero pagkatapos ng pangalan ng aklat ay tumutukoy sa kabanata, at ang kasunod na numero o mga numero ay tumutukoy sa talata o mga talata. Halimbawa, ang Genesis 1:1 ay tumutukoy sa Genesis kabanata 1, talata 1.