Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

TANONG 2

Paano Ka Matututo Tungkol sa Diyos?

“Ang aklat na ito ng Kautusan ay dapat na maging bukambibig mo, at dapat mo itong basahin nang pabulong araw at gabi, para masunod mong mabuti ang lahat ng nakasulat dito; sa gayon ay magtatagumpay ka at magiging marunong ka sa mga gagawin mo.”

Josue 1:8

“Patuloy nilang binasa nang malakas ang aklat, ang Kautusan ng tunay na Diyos. Ipinaliwanag nila ang kahulugan nito sa simple at malinaw na paraan, kaya natulungan nila ang mga tao na maintindihan ang binabasa.”

Nehemias 8:8

“Maligaya ang taong hindi sumusunod sa payo ng masasama . . . Sa halip, nalulugod siya sa kautusan ni Jehova, at ang kautusan Niya ay binabasa niya nang pabulong araw at gabi. . . . Lahat ng ginagawa niya ay magtatagumpay.”

Awit 1:1-3

“Tumakbo si Felipe, at sinabayan niya ang karwahe. Narinig niyang binabasa ng Etiope ang isinulat ni propeta Isaias, at sinabi niya: ‘Naiintindihan mo ba ang lahat ng binabasa mo?’ Sumagot ang Etiope: ‘Ang totoo, hindi ko ito maiintindihan kung walang magtuturo sa akin.’”

Gawa 8:30, 31

“Ang kaniyang di-nakikitang mga katangian ay malinaw na nakikita mula pa nang lalangin ang mundo, dahil ang mga ito, ang kaniyang walang-hanggang kapangyarihan at pagka-Diyos, ay nakikita sa mga bagay na ginawa niya, kaya wala silang maidadahilan.”

Roma 1:20

“Pag-isipan mong mabuti ang mga bagay na ito; magbuhos ka ng pansin dito para makita ng lahat ang pagsulong mo.”

1 Timoteo 4:15

“Isipin natin ang isa’t isa para mapasigla natin ang bawat isa na magpakita ng pag-ibig at gumawa ng mabuti, at huwag nating pabayaan ang pagtitipon natin.”

Hebreo 10:24, 25

“Kaya kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, patuloy siyang humingi sa Diyos, dahil sagana Siyang nagbibigay sa lahat at hindi nandurusta, at ibibigay iyon sa kaniya.”

Santiago 1:5