Disyembre 30, 2024–Enero 5, 2025
AWIT 120-126
Awit Blg. 144 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)
1. Naghasik Nang May Luha, Gumapas Nang May Kagalakan
(10 min.)
Masaya ang mga Israelita nang mapalaya sila mula sa Babilonya para maibalik ang dalisay na pagsamba (Aw 126:1-3)
Umiyak ang mga bumalik sa Judea dahil sa hirap na pinagdaanan nila (Aw 126:5; w04 6/1 16 ¶10)
Hindi sila sumuko kaya pinagpala sila (Aw 126:6; w21.11 24 ¶17; w01 7/15 18-19 ¶13-14; tingnan ang larawan)
PARA SA PAGBUBULAY-BULAY: Pagkatapos ng Armagedon, marami tayong kailangang gawin at ayusin. Anong mga hamon ang mapapaharap sa atin? Anong mga pagpapala ang matatanggap natin?
2. Espirituwal na Hiyas
(10 min.)
-
Aw 124:2-5—Maaasahan ba natin na poprotektahan tayo ni Jehova gaya ng ginawa niya sa bansang Israel? Bakit? (cl 86 ¶15)
-
Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?
3. Pagbabasa ng Bibliya
(4 min.) Aw 124:1–126:6 (th aralin 5)
4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(3 min.) PAMPUBLIKONG PAGPAPATOTOO. (lmd aralin 3: #5)
5. Pagdalaw-Muli
(4 min.) BAHAY-BAHAY. Noong huli mo siyang nakausap, sinabi niyang hindi siya sigurado kung mapagkakatiwalaan niya ang Bibliya. (lmd aralin 9: #5)
6. Paggawa ng mga Alagad
(5 min.) lff aralin 16: intro at #1-3 (lmd aralin 11: #3)
Awit Blg. 155
7. Manabik sa mga Pangako ng Diyos
(15 min.) Pagtalakay.
Tinupad ni Jehova ang mga pangako niya sa mga lingkod niyang itinapon sa Babilonya. Pinalaya niya sila at pinatawad ang mga kasalanan nila. (Isa 33:24) Pinrotektahan niya sila at ang mga alaga nilang hayop mula sa mga leon at iba pang mababangis na hayop, na dumami noong panahong nasa Babilonya sila. (Isa 65:25) May sarili silang bahay at masayang kumakain ng mga bunga ng itinanim nila. (Isa 65:21) Pinagpala ng Diyos ang mga ginagawa nila at nasiyahan sa mahabang buhay.—Isa 65:22, 23.
I-play ang VIDEO na Manabik sa Ipinangako ng Diyos na Kapayapaan—Video Clip. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:
-
Paano natutupad ngayon ang mga hulang ito?
-
Paano matutupad ang lahat ng pangakong ito sa bagong sanlibutan?
-
Alin sa mga pangakong ito ang gustong-gusto mo nang matupad sa hinaharap?
8. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya
(30 min.) bt kab. 20 ¶8-12, kahon sa p. 161