Ano sa Palagay Mo?
Makatutulong ba ang Bibliya para maging kaibigan ka ng Diyos?
NANINIWALA ANG ILAN . . .
na hindi sila puwedeng maging kaibigan ng Diyos dahil pakiramdam nila ay marumi sila o makasalanan. Sinasabi naman ng iba na walang pakialam sa atin ang Diyos. Ano sa palagay mo?
ANG SABI NG BIBLIYA
Malapít ang ‘kaugnayan ng Diyos sa mga matuwid.’ (Kawikaan 3:32) Kung susundin natin ang Diyos, magiging kaibigan niya tayo.
ANO PA ANG MATUTUTUHAN NATIN SA BIBLIYA?
Gusto ng Diyos na maging Kaibigan natin siya.—Santiago 4:8.
Bilang ating Kaibigan, handa siyang tumulong at magpatawad sa atin.—Awit 86:5.
Ang mga kaibigan ng Diyos ay umiibig sa mga iniibig niya at napopoot sa mga kinapopootan niya.—Roma 12:9.