Para sa mga Mambabasa
Mahal na Mambabasa
Sa isyung ito ng Bantayan, tatalakayin sa isang serye ng magkakaugnay na artikulo ang sumusunod na mga tanong:
Una, anong kaayusan ang ginawa ng Ama nating si Jehova para tulungan tayong mga tao na matalo ang kasalanan?
Ikalawa, ano ang itinuro ni Jehova tungkol sa tunay na pagsisisi, at paano niya tinulungan ang mga nagkasala na magsisi?
Ikatlo, anong mga tagubilin ang ibinigay ni Jehova sa kongregasyon sa Corinto tungkol sa kaso ng isang nagkasala na hindi nagsisisi?
Ikaapat, paano dapat asikasuhin ng mga elder sa ngayon ang mga kaso ng malubhang pagkakasala?
Ikalima, kapag inalis sa kongregasyon ang isang di-nagsisising nagkasala, paano patuloy na makakapagpakita ng pag-ibig at awa sa kaniya ang kongregasyon?