Magpokus sa Malaking Isyu
“Upang malaman ng mga tao na ikaw, na ang pangalan ay Jehova, ikaw lamang ang Kataas-taasan sa buong lupa.”—AWIT 83:18.
1, 2. (a) Anong malaking isyu ang napapaharap sa sangkatauhan? (b) Bakit mahalaga sa atin ang isyung iyon?
PARA sa maraming tao ngayon, pera ang pinakamahalaga. Nakapokus sila sa pagpapayaman o sa pagpapanatili ng kanilang kayamanan. Para naman sa iba, mas mahalaga ang pamilya, kalusugan, o katuparan ng mga pangarap nila.
2 Pero ang talagang malaking isyu na napapaharap sa ating lahat ay ang pagbabangong-puri sa soberanya ni Jehova. Dapat tayong mag-ingat na huwag maiwala ang ating pokus dito. Puwedeng mangyari iyan kung masyado tayong abala sa pang-araw-araw na mga gawain at nakakalimutan na natin ang kahalagahan ng pagbabangong-puri sa soberanya ng Diyos. O baka masyado tayong nag-aalala sa ating sariling mga problema kaya natatabunan na ang mahalagang isyung iyan. Ang totoo, habang lumalalim ang pagpapahalaga natin sa pagbabangong-puri sa soberanya ni Jehova, mas makakayanan nating harapin ang mga hamon sa buhay at mas mapapalapít tayo sa kaniya.
BAKIT NAPAKAHALAGA?
3. Ano ang mga paratang ni Satanas tungkol sa pamamahala ng Diyos?
3 Kinuwestiyon ni Satanas na Diyablo ang pagiging nararapat ng soberanya ni Jehova. Sinabi niya na tiwali ang pamamahala ng Diyos at na ipinagkakait ni Jehova ang pinakamabuti sa Kaniyang mga nilalang. Ayon sa Diyablo, mas mapapabuti at magiging maligaya Gen. 3:1-5) Ipinahiwatig din ni Satanas na wala namang taong matapat sa Diyos—na sa ilalim ng pagsubok, itatakwil ng sinuman ang pamamahala ni Jehova. (Job 2:4, 5) Kaya hinayaan ng Diyos na lumipas ang panahon para mapatunayan ng mga tao kung gaano kasaklap ang buhay na hiwalay sa pamamahala ng Diyos.
ang mga tao kung sila ang mamamahala sa kanilang sarili. (4. Bakit dapat malutas ang isyu tungkol sa soberanya?
4 Alam ni Jehova na mali ang mga alegasyon ng Diyablo. Kaya bakit hinayaan ng Diyos na magpatuloy ang isyung ito at binigyan si Satanas ng panahon para patunayan ang akusasyon niya? Dahil sangkot dito ang lahat ng matatalinong nilalang. (Basahin ang Awit 83:18.) Tinalikuran ng unang mag-asawa ang pamamahala ni Jehova, at marami pang sumunod sa yapak nila. Kaya naman, baka isipin ng ilan na totoo ang mga paratang ng Diyablo. Hangga’t hindi nasasagot ang isyu sa isip ng mga tao at anghel, magkakaroon ng di-pagkakasundo sa pagitan ng mga bansa, lahi, tribo, pamilya, at mga indibiduwal. Pero kapag naipagbangong-puri na ang soberanya ni Jehova, magpapasakop na ang lahat sa kaniyang matuwid na pamamahala. Maisasauli na ang kapayapaan sa buong uniberso.—Efe. 1:9, 10.
5. Ano ang papel natin sa isyu ng soberanya?
5 Darating ang panahon, maipagbabangong-puri ang pagiging nararapat ng soberanya ng Diyos. Mabibigo at magwawakas naman ang pamamahala ni Satanas at ng mga tao. Magtatagumpay ang pamamahala ng Diyos sa pamamagitan ng kaniyang Mesiyanikong Kaharian, at mapatutunayan ng mga nanatiling tapat na puwedeng manindigan ang tao para sa pamamahala ng Diyos. (Isa. 45:23, 24) Gusto mo bang mapabilang sa mga matapat na sumusuporta sa soberanya ni Jehova? Siyempre naman! Para magawa iyan, kailangan nating magpokus sa malaking isyu at unawain kung gaano ito kahalaga.
PAGBABANGONG-PURI—MAS MAHALAGA KAYSA SA KALIGTASAN
6. Gaano kahalaga ang pagbabangong-puri sa soberanya ni Jehova?
6 Gaya ng nabanggit na, ang pagbabangong-puri sa soberanya ni Jehova ay isang mahalagang isyu na napapaharap sa sangkatauhan. Mas mahalaga pa ito kaysa sa sariling kaligayahan ng sinumang indibiduwal. Ibig bang sabihin, hindi na mahalaga ang ating kaligtasan at hindi talaga nagmamalasakit si Jehova sa atin? Hinding-hindi! Bakit?
7, 8. Bakit kasama sa pagbabangong-puri sa soberanya ng Diyos ang katuparan ng kaniyang mga pangako?
7 Mahal na mahal ni Jehova ang sangkatauhan. Napakahalaga nila sa kaniya kung kaya handa niyang ibigay ang kaniyang Anak para maging posible ang kanilang kaligtasan. (Juan 3:16; 1 Juan 4:9) Kung hindi tutuparin ni Jehova ang mga pangako niya, may dahilan ang Diyablo para sabihing ang Diyos ay sinungaling, mapagkait, at namamahala sa di-patas na paraan. Mapatutunayan ding totoo ang panunuya ng mga mananalansang na nagsasabi: “Nasaan itong ipinangakong pagkanaririto niya? Aba, mula nang araw na matulog sa kamatayan ang ating mga ninuno, ang lahat ng mga bagay ay nananatiling gayung-gayon mula noong pasimula ng sangnilalang.” (2 Ped. 3:3, 4) Kaya naman, titiyakin ni Jehova na kasama sa pagbabangong-puri sa kaniyang soberanya ang kaligtasan ng masunuring mga tao! (Basahin ang Isaias 55:10, 11.) Isa pa, ang soberanya ni Jehova ay nakasalig sa pag-ibig. Kaya makapagtitiwala tayo na lagi niyang mamahalin at pahahalagahan ang kaniyang matapat na mga lingkod.—Ex. 34:6.
8 Kapag kinikilala natin ang kahalagahan ng soberanya ni Jehova, hindi naman natin binabale-wala ang ating kaligtasan o ang halaga natin sa kaniyang paningin. Pinananatili lang natin ang tamang pananaw tungkol sa soberanya at sa kaligtasan. Kailangan iyan para makapanatili tayong nakapokus sa malaking isyu at makapanindigan sa matuwid na pamamahala ni Jehova.
ISANG ARAL TUNGKOL SA TAMANG PANANAW
9. Ano ang akusasyon ni Satanas tungkol kay Job? (Tingnan ang larawan sa simula ng artikulo.)
9 Ang kahalagahan ng tamang pananaw ay itinatampok sa aklat ng Job, isa sa pinakaunang isinulat na aklat ng Bibliya. Mababasa roon ang sinabi ni Satanas na kung daranas si Job ng matinding pagdurusa, itatakwil nito ang Diyos. Iminungkahi ni Satanas na saktan mismo ng Diyos si Job. Hindi iyan ginawa ni Jehova, pero pinahintulutan niya si Satanas na subukin si Job, na sinasabi: “Ang lahat ng kaniyang pag-aari ay nasa iyong kamay.” (Basahin ang Job 1:7-12.) Sa maikling panahon, nawalan si Job ng mga lingkod at ng kabuhayan, at namatay ang kaniyang 10 minamahal na anak. Pinalitaw ni Satanas na ang Diyos ang may kagagawan ng lahat ng pagdurusa ni Job. (Job 1:13-19) Pagkatapos, nagpasapit si Satanas kay Job ng makirot at nakapandidiring sakit. (Job 2:7) Lalo pang naghirap ang kalooban ni Job dahil sa masasakit na salita ng kaniyang asawa at tatlong huwad na kaibigan.—Job 2:9; 3:11; 16:2.
10. (a) Paano ipinakita ni Job ang kaniyang katapatan sa Diyos? (b) Bakit kinailangan siyang ituwid?
10 Ang resulta? Napatunayang mali ang mga paratang ni Satanas. Hindi tinalikuran ni Job ang Diyos. (Job 27:5) Pero pansamantalang nawalan ng tamang pananaw si Job. Nagpokus siya sa pagmamatuwid sa kaniyang sarili. Humingi pa nga siya ng paliwanag kung bakit siya nagdurusa. (Job 7:20; 13:24) Mukhang makatuwiran naman iyan kung titingnan ang lahat ng pinagdusahan niya. Pero nakita ng Diyos na kailangang ituwid si Job. Ano ang sinabi ni Jehova sa kaniya?
11, 12. Ano ang ipinaunawa ni Jehova kay Job? At paano tumugon si Job?
11 Mababasa ang mga sinabi ng Diyos kay Job sa apat na kabanata ng aklat ng Job—kabanata 38 hanggang 41. Hindi nagpokus si Jehova sa pagpapaliwanag kung bakit nagdurusa si Job, na para bang kailangang bigyang-katuwiran ng Diyos ang kaniyang sarili. Sa halip, gusto niyang ipaunawa kay Job kung gaano siya kaliit kumpara sa kadakilaan ng Diyos. Tinulungan din niya si Job na makitang may mas malalaking usapin na dapat bigyang-pansin. (Basahin ang Job 38:18-21.) Dahil dito, nagkaroon uli si Job ng tamang pananaw.
Job 42:1-6) Bago nito, nakatanggap din ng pagtutuwid at payo si Job mula sa nakababatang si Elihu. (Job 32:5-10) Tumugon si Job sa pagsaway sa kaniya at itinuwid ang kaniyang pananaw. Kaya naman, ipinahayag ni Jehova sa iba na sinasang-ayunan niya ang katapatan ni Job sa ilalim ng pagsubok.—Job 42:7, 8.
12 Naging malupit ba si Jehova dahil nagbigay siya ng tuwirang payo kay Job gayong katatapos lang nitong magdusa nang matindi? Hindi, at hindi rin ganiyan ang inisip ni Job. Sa kabila ng pinagdaanan niya, naging mapagpahalaga si Job. Sinabi pa nga niya: “Binabawi ko ang aking sinabi, at ako ay nagsisisi sa alabok at abo.” Iyan ang naging epekto kay Job ng tuwiran pero nakagiginhawang payo ni Jehova. (13. Paano nakinabang si Job sa payo ni Jehova kahit tapós na ang mga pagsubok sa kaniya?
13 Patuloy na nakinabang si Job sa payo ni Jehova kahit tapós na ang mga pagsubok sa kaniya. Paano? Totoo, “pinagpala [ni Jehova] ang huling wakas ni Job nang higit pa kaysa sa kaniyang pasimula,” pero lumipas pa ang panahon bago lubusang naibalik kay Job ang nawala sa kaniya. Nang maglaon, “nagkaroon din siya ng pitong anak na lalaki at tatlong anak na babae.” (Job 42:12-14) Tiyak na nangungulila pa rin si Job sa mga anak niyang namatay sa kamay ni Satanas. Sa pana-panahon, baka naaalaala pa rin niya ang mga pinagdaanan niya. Kung naunawaan man niya nang maglaon ang dahilan nito, baka sumasagi sa isip niya kung bakit kailangan pang umabot nang ganoon ang pagdurusa niya. Kung naisip man niya iyon, puwede niyang bulay-bulayin ang payo ng Diyos. Tutulong ito sa kaniya para mapanatili ang tamang pananaw at magkaroon ng kaaliwan.—Awit 94:19.
14. Ano ang matututuhan natin sa karanasan ni Job?
14 Puwede rin tayong magkaroon ng tamang pananaw at kaaliwan sa tulong ng ulat tungkol kay Job. Iningatan ni Jehova ang ulat na ito para “sa ating ikatututo, upang sa pamamagitan ng ating pagbabata at sa pamamagitan ng kaaliwan mula sa Kasulatan ay magkaroon tayo ng pag-asa.” (Roma 15:4) Ano ang aral para sa atin? Huwag tayong masyadong magpokus sa ating sariling buhay kung kaya nakakalimutan na natin ang malaking isyu—ang pagbabangong-puri sa soberanya ni Jehova. Tandaan din natin na kasama sa papel natin sa mahalagang isyung ito ang pananatiling tapat kahit sa mahihirap na kalagayan, gaya ni Job.
15. Ano ang naisasakatuparan ng ating katapatan sa ilalim ng pagsubok?
15 Bakit nakaaaliw bulay-bulayin ang kahalagahan ng ating katapatan? Dahil ibig sabihin nito, ang mga pagsubok na nararanasan natin ay may naisasakatuparan. Ang Kaw. 27:11) Ang ating pagbabata ay nagbubunga ng “sinang-ayunang kalagayan” at nagpapatibay sa ating pag-asa. (Basahin ang Roma 5:3-5.) Ipinakikita ng karanasan ni Job na “si Jehova ay napakamagiliw sa pagmamahal at maawain.” (Sant. 5:11) Kaya makatitiyak tayo na gagantimpalaan niya tayo at ang lahat ng nagtataguyod ng kaniyang soberanya. Tutulong iyan sa atin na “makapagbata nang lubos at magkaroon ng mahabang pagtitiis taglay ang kagalakan.”—Col. 1:11.
mga ito ay hindi tanda ng di-pagsang-ayon ni Jehova. Sa halip, ang mga pagsubok ay mga pagkakataon para maipakita ang ating suporta sa soberanya ng Diyos. (MANATILING NAKAPOKUS
16. Bakit dapat nating ipaalaala sa sarili ang kahalagahan ng pagbabangong-puri sa soberanya ni Jehova?
16 Hindi laging madaling magpokus sa pagbabangong-puri sa soberanya ni Jehova. Sa pana-panahon, parang natatabunan tayo ng mga problema. Kahit maliliit na problema ay nagiging gabundok kung lagi nating iisip-isipin ang mga iyon. Kaya makabubuti na palagi nating ipaaalaala sa sarili ang kahalagahan ng pagsuporta sa soberanya ng Diyos kapag dumaranas tayo ng mahihirap na kalagayan.
17. Paano makatutulong ang regular na pakikibahagi sa gawain ni Jehova para manatili tayong nakapokus sa malaking isyu?
17 Kung makikibahagi tayo nang regular sa gawain ni Jehova, makapananatili tayong nakapokus sa malaking isyu. Halimbawa, ang sister na si Renee ay laging nakararanas ng kirot, may cancer, at na-stroke. Habang nagpapagamot sa ospital, nagpapatotoo siya sa mga staff, pasyente, at mga dumadalaw. Minsan, 80 oras pa nga ang nagugol niya sa pagpapatotoo sa loob lang ng dalawa at kalahating linggo. Kahit noong malapit na siyang mamatay, hindi nakalimutan ni Renee ang soberanya ni Jehova. Dahil dito, mas nakayanan niya ang pinagdaanan niya.
18. Gaya ng ipinakikita ng karanasan ng isang sister, paano tayo makikinabang sa pagtataguyod ng soberanya ni Jehova?
18 Siyempre pa, gusto rin nating manatiling nakapokus sa soberanya ni Jehova kahit sa harap ng karaniwang mga problema at aberya. Halimbawa, tatlong araw na naghintay sa airport ang sister na si Jennifer dahil sunod-sunod na nakansela ang mga flight pauwi. Dahil nag-iisa at pagód, puwede sana siyang maawa na lang sa sarili. Sa halip, nanalangin siya kung paano niya matutulungan sa espirituwal ang iba pang naghihintay sa airport. Ano ang resulta? Marami siyang napatotohanan at nabigyan ng literatura. “Kahit hindi madali ang sitwasyong iyon, damang-dama ko ang pagpapala ni Jehova dahil binigyan niya ako ng lakas na dalhin ang kaniyang pangalan sa mahusay na paraan,” ang sabi niya. Oo, nagpokus siya sa layunin ni Jehova.
19. Pagdating sa soberanya ni Jehova, ano ang paninindigan ng kaniyang bayan?
19 Ang pagpapahalaga sa soberanya ni Jehova ay isang malinaw na pagkakaiba ng tunay at ng huwad na relihiyon. Noon pa man, itinataguyod na ng bayan ng Diyos ang kaniyang soberanya. Bilang mga tunay na mananamba, ganiyan din ang dapat gawin ng bawat isa sa atin.
20. Ano ang nadarama ni Jehova sa pagtataguyod mo ng kaniyang soberanya?
20 Makatitiyak ka na pinahahalagahan ni Jehova ang pagsisikap mong itaguyod ang kaniyang soberanya sa pamamagitan ng tapat na paglilingkod at pagbabata ng mga pagsubok. (Awit 18:25) Higit pang tatalakayin sa susunod na artikulo kung bakit ang soberanya ni Jehova ay karapat-dapat sa iyong buong-pusong pagsuporta at kung paano mo ito lubusang maitataguyod.