Gusto Mo Bang Maging Kaibigan ng Diyos?
Gusto Mo Bang Maging Kaibigan ng Diyos?
● Ano ang sagot mo sa tanong na iyan? Isang babaing nakatira sa isang liblib na lugar sa estado ng Guerrero, Mexico, ang nagsabing imposible naman yatang maging kaibigan ng Diyos. Ipinakita sa kaniya ng dalawang babaing Saksi ni Jehova ang brosyur na Maaari Kang Maging Kaibigan ng Diyos! sa kaniyang katutubong wika. Gulát na gulát siya dahil ngayon lang siya nakakita ng publikasyon sa wikang Tlapanec na hindi nagmula sa pamahalaan.
Ipinaliwanag ng dalawang Saksi na ang mismong publikasyong iyon ay katibayan na mahal siya ng Diyos dahil sa pamamagitan nito, makikilala niya ang Maylalang. Agad niyang binasa ang unang aralin na “Inaanyayahan Ka ng Diyos na Maging Kaibigan Niya.” Matapos itong basahin, sinabi niya: “Gusto kong maging kaibigan ng Diyos. Puwede n’yo ba akong bigyan ng Bibliya?” Nang bumalik ang mga Saksi dala ang Bibliya, hiniling ng ina ng kabataan na huwag muna silang umalis at turuan pa silang mag-ina tungkol sa Bibliya.
Sa buong daigdig, ang brosyur na Maaari Kang Maging Kaibigan ng Diyos! ay makukuha sa 278 wika (pati na sa Braille). Kasama na rito ang Tlapanec at ang 16 na iba pang wikang Indian sa Mexico. Maaari kang humiling ng isang kopya ng brosyur na ito. Punan lamang ang kalakip na kupon at ipadala sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Maaari Kang Maging Kaibigan ng Diyos!
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.