Repaso Para sa Pamilya
Repaso Para sa Pamilya
Ano ang Mali sa Larawang Ito?
Basahin ang Genesis 4:1-8. Ngayon, tingnan mo ang larawan. Anu-ano ang mali rito? Isulat sa ibaba ang iyong mga sagot.
1. ․․․․․
2. ․․․․․
3. ․․․․․
PARA SA TALAKAYAN:
Ano ang naging reaksiyon ni Cain nang makita niyang pinaboran ng Diyos na Jehova ang kapatid niyang si Abel? Kung parang mas pinapaboran ng mga magulang mo ang isa sa mga kapatid mo, ano ang dapat mong iwasan, at bakit?
KILALA MO BA SI APOSTOL NATANAEL?
4. Malamang na kilala rin si Natanael sa anong pangalan?
CLUE: Basahin ang Lucas 6:14; Juan 1:44-46.
․․․․․
5. Ano ang hinangaan ni Jesus kay Natanael?
CLUE: Basahin ang Juan 1:47.
․․․․․
PARA SA TALAKAYAN:
Paano mo matutularan si Natanael? Bakit dapat mo siyang tularan?
CLUE: Basahin ang Awit 24:3-5; 34:13-16.
MGA BATA, HANAPIN ANG LARAWAN
Saang mga pahina makikita ang mga larawang ito? Masasabi mo ba kung ano ang nangyayari sa bawat larawan?
MULA SA ISYUNG ITO
Sagutin ang mga tanong, at isulat ang nawawalang (mga) talata sa Bibliya.
PAHINA 5 Ano ang hilig ng puso ng tao? Genesis 8:․․․
PAHINA 6 Paano tayo dapat gumawi? Hebreo 13:․․․
PAHINA 24 Ano ang dapat na mayroon tayo? 1 Corinto 9:․․․
PAHINA 26 Ano ang mangyayari kung hihintayin mo munang bumuti ang panahon bago ka kumilos? Eclesiastes 11:․․․
● Nasa pahina 21 ang mga sagot
MGA SAGOT SA PAHINA 31
1. Dalawang anak lang ang naghandog.
2. Mga bunga ng lupa ang inihandog ni Cain.
3. Tupa ang inihandog ni Abel, hindi baka.
4. Bartolome.
5. Hindi siya mapanlinlang.