Repaso Para sa Pamilya
Repaso Para sa Pamilya
Ano ang Pagkakaiba ng mga Larawan?
Alam mo ba kung ano ang tatlong pagkakaiba ng larawan A at B? Isulat sa ibaba ang iyong mga sagot. Kulayan ang mga larawan.
CLUE: Basahin ang Exodo 28:9-12, 33, 36, 37.
1. ․․․․․
2. ․․․․․
3. ․․․․․
4. Aling larawan ang tama, ang nasa kanan o nasa kaliwa?
․․․․․
PARA SA TALAKAYAN:
Ano ang ibig sabihin ng salitang “banal”? Bakit mahalagang maging banal ang mga mananamba ni Jehova? Paano mo maipakikita na sinisikap mong maging banal?
CLUE: Basahin ang 2 Corinto 7:1.
PARA SA PAMILYA:
Atasan ang bawat miyembro ng pamilya na magsaliksik tungkol sa papel ng mataas na saserdote sa Israel. Pagkatapos, pag-usapan ang inyong nasaliksik. Halimbawa, ano ang ilan sa mga pananagutan ng mataas na saserdote?
CLUE: Basahin ang Levitico 9:7; Deuteronomio 17:9-11.
Bakit masasabing si Jesu-Kristo ang pinakamahusay na mataas na saserdote?
CLUE: Basahin ang Hebreo 4:14-16; 7:26-28; 9:11-14.
Ipunin at Pag-aralan
Gupitin, tiklupin, at ingatan
BIBLE CARD 3 RUTH
MGA TANONG
A. Kumpletuhin ang sinabi ni Ruth kay Noemi: “Ang iyong bayan ay magiging . . .”
B. Bakit mabuting halimbawa si Ruth sa mga nag-aalaga ng maysakit at may-edad?
C. Kumpletuhin. Si Ruth ay naging asawa ni ․․․․․ at ninuno nina ․․․․․ at ․․․․․.
[Chart]
4026 B.C.E. Nilalang si Adan
Nabuhay noong mga 1200 B.C.E.
1 C.E.
98 C.E. Isinulat ang huling aklat ng Bibliya
[Mapa]
Lumipat sa Betlehem mula sa Moab
MOAB
Betlehem
RUTH
MAIKLING IMPORMASYON
Isang tapat na balong Moabita na sumuporta sa kaniyang may-edad nang biyenan na si Noemi. Dahil sa tapat na pag-ibig ni Ruth kay Noemi at sa kagustuhan niyang sambahin si Jehova, iniwan niya ang kaniyang sariling bayan at lumipat sa Betlehem. Ganito ang sinabi ng iba kay Noemi, “Ang iyong manugang . . . [ay] mas mabuti sa iyo kaysa sa pitong anak na lalaki.”—Ruth 4:14, 15.
MGA SAGOT
A. “. . . aking bayan, at ang iyong Diyos ay aking Diyos.”—Ruth 1:16.
B. Si Ruth ay mapagsakripisyo at masipag.—Ruth 2:7, 10-12, 17; 3:11.
C. Boaz, Haring David, Jesu-Kristo.—Mateo 1:5, 6, 16.
Mga Tao at mga Lugar
5. Ako si Shaé. Nakatira ako sa Britanya na malapit sa kontinente ng Europa. Mga ilang Saksi ni Jehova ang nakatira sa Britanya? Ito ba ay 13,300, 133,000, o 333,000?
6. Bilugan ang marka kung saan ako nakatira. Markahan ang lugar kung saan ka nakatira, at tingnan kung gaano ka kalapit sa Britanya.
A
B
C
D
Mga Bata, Hanapin ang Larawan
Saang mga pahina makikita ang mga larawang ito? Masasabi mo ba kung ano ang nangyayari sa bawat larawan?
● Nasa pahina 7 ang mga sagot sa mga tanong sa pahina 30 at 31
MGA SAGOT SA PAHINA 30 AT 31
1. Mga nakasulat sa turbante.
2. Mga batong onix sa balikat.
3. Mga kampanilya sa laylayan.
4. Ang nasa kaliwa.
5. 133,000.
6. B.