Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

May Nagdisenyo ba Nito?

Namib Beetle—May Pakpak na Nakakaipon ng Tubig

Namib Beetle—May Pakpak na Nakakaipon ng Tubig

● Mga 900 milyong tao sa buong mundo ang walang malinis na tubig na maiinom. Sa maraming lugar, mga babae at bata ang naglalakad nang napakalayo para umigib ng tubig. “Nakakaawa ang mahihirap na naglalakad nang maraming oras araw-araw para lang magkaroon ng isang mahalagang pangangailangan,” ang sabi ni Shreerang Chhatre, isang inhinyero sa Massachusetts Institute of Technology. Para masolusyonan ang problemang ito, pinag-aaralan ni Chhatre at ng mga kasama niya kung paano makakakuha ng tubig mula sa fog, at ginagamit nilang parisan ang Namib beetle.

Pag-isipan ito: Tuwing umaga, nagkakaroon ng fog sa disyerto ng Namibia sa Aprika. Sinasamantala ng Namib beetle ang mga sandaling ito para humarap sa hangin sa tamang posisyon. a Ang mga umbok sa pakpak nito ay sumasagap ng halumigmig, na nagiging maliliit na patak na patuloy na lumalaki at bumibigat. Pagkatapos, gumugulong ang mga ito sa mga mistulang kanal sa pakpak ng beetle. Dahil hindi nag-a-absorb ng tubig ang mga kanal, ang tubig ay umaagos patungo sa bibig.

Gusto ni Chhatre at ng kaniyang mga kasama na gayahin ang gayunding pamamaraan para makapaglaan ng tubig na maiinom ng mga tao. Siyempre pa, mas maraming tubig ang kailangan ng tao para mabuhay kaysa sa Namib beetle. At malaking pondo ang kailangan para sa gayong proyekto. Sa ngayon, ang fog harvesting para sa mga tao ay “pinag-aaralan pa,” ang sabi ni Chhatre.

Ano sa palagay mo? Ang pakpak ba ng Namib beetle na nakakaipon ng tubig ay resulta ng ebolusyon? O may nagdisenyo nito?

[Talababa]

a May iba pang mga species ng beetle na naobserbahang nakapag-iipon din ng tubig sa gayong paraan.

[Larawan sa pahina 22]

Ang maliliit na patak ng tubig ay namumuo at umaagos patungo sa bibig ng beetle

[Picture Credit Line sa pahina 22]

Photo: Chris Mattison Photography/photographersdirect.com