Repaso Para sa Pamilya
Aling Larawan ang Katugma ng Teksto?
Basahin ang Genesis 1:1-31. Gumuhit ng linya na magdurugtong sa larawan at sa katugmang talata sa Bibliya. (Wala sa tamang pagkakasunud-sunod ang mga larawan.)
PARA SA TALAKAYAN:
Paano natin nalaman na hindi basta 24-oras ang bawat araw ng paglalang?
CLUE: Basahin ang Genesis 2:4; Awit 90:4.
Ano ang matututuhan mo tungkol kay Jehova mula sa kaniyang mga lalang?
CLUE: Basahin ang Awit 115:16; Roma 1:20; 1 Juan 4:8; Apocalipsis 4:11.
PARA SA PAMILYA:
Magplano ng field trip ang buong pamilya. Bumisita kayo sa isang zoo, parke, o planetarium para matuto tungkol sa paborito mong hayop, halaman, o planeta. Pagkatapos, sabihin sa iyong pamilya ang natutuhan mo tungkol kay Jehova mula sa pagmamasid sa kaniyang mga lalang.
Ipunin at Pag-aralan
BIBLE CARD 23 JONATAN
MGA TANONG
- A. Si Jonatan ang panganay na anak ni ․․․․․.
- B. Tama o Mali? Si Jonatan ay hinagisan ng sibat ng kaniyang ama.
- C. Sino ang mahal na mahal ni Jonatan, at bakit?
MAIKLING IMPORMASYON
Kahit tagapagmana ng trono at malamang na 30 taon ang tanda niya kay David, sinuportahan ni Jonatan si David na pinili ng Diyos bilang hari. (1 Samuel 23:15-18) Isinapanganib pa nga niya ang kaniyang buhay para protektahan si David mula kay Saul, ang kaniyang ama na naiinggit kay David. (1 Samuel 20:1-42) Ang kapakumbabaan ni Jonatan ay nagtuturo sa atin na maging masaya tayo kapag tumatanggap ang iba ng magagandang bagay mula sa Diyos.
MGA SAGOT
- A. Haring Saul.—1 Samuel 14:47, 49.
- B. Tama.—1 Samuel 20:33.
- C. David. Nakita niya ang lakas ng loob ni David at ang pag-ibig nito kay Jehova nang labanan nito si Goliat.—1 Samuel 17:1–18:4.
Mga Tao at mga Lugar
Kami sina Pyae Sone Aung, 11 taon, at Hsu Myat Yadanar Lwin, 7 taon. Nakatira kami sa Myanmar. Mga ilang Saksi ni Jehova ang nakatira sa Myanmar? Ito ba ay 3,600, 6,300, o 10,000?
Bilugan ang marka kung saan kami nakatira. Markahan ang lugar kung saan ka nakatira, at tingnan kung gaano ka kalayo sa Myanmar.
MGA SAGOT
- 1 sa F.
- 2 sa B.
- 3 sa A.
- 4 sa E.
- 5 sa C.
- 6 sa D.
- 3,600.
- D.