Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

 MGA BANSA AT MGA TAO

Pagbisita sa Cameroon

Pagbisita sa Cameroon

ANG mga Baka—tinatawag ding mga Pygmy—ang malamang na unang nanirahan sa Cameroon. Noong ika-16 na siglo, dumating ang mga Portuges. Pagkalipas ng ilang daang taon, ang hilagang Cameroon ay sinakop ng mga Fulani, na mga Muslim. Sa ngayon, ang 40 porsiyento ng mga taga-Cameroon ay Kristiyano, ang 20 porsiyento ay Muslim, at ang natitirang 40 porsiyento ay kabilang sa tradisyonal na mga relihiyon sa Aprika.

Ang mga Saksi ni Jehova ay may mga salig-Bibliyang literatura sa Bassa, isang wika sa Cameroon

Ang mga nakatira sa mga probinsiya ng Cameroon ay kilaláng mapagpatuloy. Ang mga bisita ay binabati at pinatutuloy sa loob ng bahay, kung saan sila pinaiinom at pinakakain. Isang insulto ang pagtanggi rito, at ang pagtanggap naman ay nagpapakita ng pagpapahalaga.

Sa simula ng pag-uusap, babatiin muna ng bisita ang mga miyembro ng pamilya at kukumustahin sila. Isang kaugalian na kumustahin pati ang mga alagang hayop! “Kapag paalis na ang bisita, hindi sapat na sabihing,  ‘Paalam,’” ang sabi ni Joseph, isang taal na taga-Cameroon. “Karaniwan na, inihahatid ng maybahay ang bisita hanggang kalsada habang patuloy ang kuwentuhan. Pagkatapos, magpapaalam na ang maybahay at babalik sa bahay niya. Kapag hindi ganito ang ginawa sa bisita, puwede nitong madama na hindi siya pinahahalagahan.”

Karaniwan nang makakakita ng mga dugout canoe sa Sanaga River. Ang mga layag ay gawa sa anumang materyales na makukuha sa paligid

May pagkakataon na ang magkakaibigan ay kumakain sa iisang plato—kung minsa’y nakakamay. Sa Cameroon, ang kaugaliang ito ay simbolo ng pagkakaisa. Sa katunayan, kung minsa’y ginagawa ito para muling uminit ang lumamig na pagkakaibigan. Ang pagkain nang sama-sama ay parang pagsasabing “Bati na kami.”

Ang mga Saksi ni Jehova, ang tagapaglathala ng magasing ito, ay may mahigit 300 kongregasyon sa Cameroon at nagdaraos ng mga 65,000 pag-aaral sa Bibliya