INTERBYU | FRÉDÉRIC DUMOULIN
‘Kumbinsido Ako na Mayroon Ngang Maylalang’
Sa loob ng mahigit isang dekada, si Frédéric Dumoulin ay nagtrabaho sa larangan ng pharmaceutical research sa Ghent University sa Belgium. May panahong naging ateista siya. Pero nang maglaon, nakumbinsi si Frédéric na may Diyos na lumalang sa buhay. Ininterbyu ng Gumising! si Frédéric
Nagkaroon ba ng bahagi sa buhay mo ang relihiyon noong bata ka pa?
Oo. Romano Katoliko ang nanay ko. Pero nang mabasa ko ang tungkol sa Krusada at Inkisisyon, galít na galít ako sa relihiyon at ayoko nang magkaroon ng kaugnayan dito. Nagbasa rin ako tungkol sa mga relihiyong di-Kristiyano, at nakita kong wala ring ipinagkaiba ang mga ito. Noong 14 anyos ako, nasabi kong wala talagang Diyos dahil laganap ang katiwalian sa relihiyon. Kaya nang ituro sa amin sa paaralan ang teoriya ng ebolusyon, napaniwala ako na talagang basta na lang lumitaw ang buhay.
Paano ka nagkainteres sa siyensiya?
Noong pitong taon ako, may nagbigay sa akin ng microscope at naging paborito kong laruan iyon. Ginamit ko iyon para suriin ang ilang bagay, gaya ng magagandang insekto na tulad ng paruparo.
Paano ka nagkainteres sa pinagmulan ng buhay?
Noong 22 anyos ako, may nakilala akong siyentipiko na Saksi ni Jehova. Naniniwala siyang nilalang ng Diyos ang buhay. Kakaiba ‘yon sa akin. Akala ko, mapapatunayan ko sa kaniya na katawa-tawa ang paniniwala niya. Pero nagulat ako sa magaganda niyang sagot sa mga tanong ko. Kaya naging curious ako sa mga taong naniniwala sa Diyos.
Pagkaraan ng ilang buwan, may nakilala akong isa pang Saksi na may kaalaman sa medisina. Nang sabihin niyang ipapaliwanag niya ang kaniyang paniniwala, pumayag ako dahil gusto kong malaman kung bakit naniniwala ang mga tao sa Diyos. Gusto ko siyang iligtas sa kaniyang kabaliwan.
Nakumbinsi mo bang mali siya?
Hindi. Kaya nagsimula akong mag-research tungkol sa pinagmulan ng buhay. Nagulat ako dahil natuklasan kong may mga kilaláng siyentipiko na nagsasabing kahit ang pinakasimpleng nabubuhay na selula ay masyadong masalimuot, anupat hindi iyon maaaring magmula sa lupang ito. Iniisip ng ilan sa kanila na ang mga selulang iyon ay galing sa ibang planeta. Napakaraming nagkakasalungatang opinyon tungkol sa kung paano nagsimula ang buhay.
Mayroon bang isang bagay na sang-ayon silang lahat?
Nakapagtataka, maraming siyentipiko ang sang-ayon na sa paanuman, ang buhay ay kusang lumitaw mula sa walang-buhay na materya. Napag-isip-isip ko, ‘Paano sila nakatitiyak na ganoon nga ang nangyari gayong hindi nga nila alam kung paano umiral ang buhay nang walang Maylalang?’ Sinimulan kong suriin ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pinagmulan ng buhay.
Ano ang naging konklusyon mo tungkol sa Bibliya?
Habang dumarami ang natututuhan ko mula sa Bibliya, lalo akong nakukumbinsing totoo ito. Halimbawa, kamakailan lang nakakita ang mga siyentipiko ng katibayan na may pasimula ang uniberso. Pero ang unang talata sa Bibliya, na isinulat mga 3,500 taon na ang nakararaan, ay nagsasabi: “Nang pasimula ay nilalang ng Diyos ang langit at ang lupa.” * At nakita kong kapag may sinasabi ang Bibliya tungkol sa siyensiya, tumpak ito.
Nakita kong kapag may sinasabi ang Bibliya tungkol sa siyensiya, tumpak ito
Nahirapan ka bang maniwala sa Diyos dahil sa kaalaman mo sa siyensiya?
Hindi naman. Nang una akong maniwala sa Diyos, tatlong taon na akong nag-aaral ng siyensiya sa unibersidad. At sa ngayon, habang pinag-aaralan ko ang disenyo ng nabubuhay na mga bagay, mas nakukumbinsi ako na mayroon ngang Maylalang.
Puwede ka bang magbigay ng halimbawa?
Puwede. Pinag-aralan ko ang epekto ng mga gamot at mga toxin sa mga nabubuhay na nilalang. Ang isang disenyo na hinahangaan ko ay kung paano napoprotektahan ang utak natin mula sa mapanganib na mga substansiya at baktirya. May barrier, o harang, sa pagitan ng ating dugo at ng mga selula ng ating utak.
Ano naman ang kahanga-hanga doon?
Mahigit sandaang taon na ang nakalilipas, napansin ng mga mananaliksik na ang mga substansiyang pumapasok sa ating dugo ay nakararating sa bawat bahagi ng katawan
Paano gumagana ang barrier na ito?
Ang pagkaliliit na mga blood vessel ay di-tulad ng mga plastic tube na hindi natatagos. Ang pinakadingding ng mga blood vessel ay binubuo ng mga selula. Hinahayaan ng mga selulang ito na makadaan sa kanila at sa pagitan nila ang mga substansiya at mikrobyo. Pero iba ang mga selulang bumubuo sa mga blood vessel ng utak natin. Napakasinsin ng mga ito. Kahanga-hanga ang mga selulang ito at ang mga dugtungan sa pagitan ng mga ito. Tinitiyak ng napakaraming iba’t ibang masasalimuot na mekanismo na ang ilang bagay