ANG DAAN NG KALIGAYAHAN
Pag-asa
“[Ako ay may] mga kaisipang ukol sa kapayapaan, at hindi ukol sa kapahamakan, upang bigyan kayo ng kinabukasan at pag-asa.”—Jeremias 29:11.
“ANG PAG-ASA AY ISANG NAPAKAHALAGANG BAHAGI NG ATING ESPIRITUWALIDAD,” ang sabi ng aklat na Hope in the Age of Anxiety. “At ito ang pinakamabisang solusyon para makayanan ang kawalang pag-asa, lungkot, at takot.”
Ipinakikita ng Bibliya na kailangan natin ng pag-asa pero nagbababala rin ito laban sa di-makatotohanang pag-asa. “Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa Awit 146:3. Sa halip na magtiwala sa pagsisikap ng tao na sagipin tayo, isang katalinuhan na magtiwala sa ating Maylalang, na may kapangyarihang tuparin ang lahat ng kaniyang pangako. Ano ang mga pangako niya sa atin? Tingnan ang sumusunod.
mga taong mahal, ni sa anak man ng makalupang tao, na sa kaniya ay walang pagliligtas,” ang sabi ngMAWAWALA NA ANG KASAMAAN; WALANG-HANGGANG KAPAYAPAAN PARA SA MATUWID: “Kaunting panahon na lamang, at ang balakyot ay mawawala na . . . Ngunit ang maaamo ang magmamay-ari ng lupa, at makasusumpong nga sila ng masidhing kaluguran sa kasaganaan ng kapayapaan,” ang sabi ng Awit 37:10, 11. Sinasabi rin sa talata 29 na ‘ang mga matuwid ay tatahan magpakailanman’ sa lupa.
MAGWAWAKAS ANG DIGMAAN: “Masdan ninyo ang mga gawa ni Jehova, . . . pinatitigil niya ang mga digmaan hanggang sa dulo ng lupa. Ang busog ay binabali niya at pinagpuputul-putol ang sibat; ang mga karwahe ay sinusunog niya sa apoy.”—Awit 46:8, 9.
WALA NANG SAKIT, PAGDURUSA, O KAMATAYAN: “Ang tolda ng Diyos ay nasa sangkatauhan . . . Papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man.”—Apocalipsis 21:3, 4.
SAGANANG PAGKAIN PARA SA LAHAT: “Magkakaroon ng saganang butil sa lupa; sa taluktok ng mga bundok ay mag-uumapaw.”—Awit 72:16.
ISANG MATUWID NA GOBYERNONG MAMAMAHALA SA BUONG DAIGDIG—KAHARIAN NI KRISTO: “[Kay Jesu-Kristo] ay may ibinigay na pamamahala at dangal at kaharian, upang ang lahat ng mga bayan, mga liping pambansa at mga wika ay maglingkod sa kaniya. Ang kaniyang pamamahala ay isang pamamahalang namamalagi nang walang takda na hindi lilipas, at ang kaniyang kaharian ay hindi magigiba.”—Daniel 7:14.
Paano tayo makatitiyak sa mga pangakong ito? Noong nasa lupa si Jesus, pinatunayan niyang siya ang may karapatang maging Haring Itinalaga. Nagpagaling siya ng mga maysakit, nagpakain ng mahihirap, at bumuhay ng mga patay. Higit pa riyan, itinuro niya ang mga prinsipyong tutulong sa mga tao na mabuhay magpakailanman nang payapa at may pagkakaisa. Inihula rin ni Jesus ang mangyayari sa hinaharap, pati na ang tanda ng mga huling araw ng sanlibutang ito.
PAGKATAPOS NG UNOS, SISIKAT ANG ARAW
Inihula ni Jesus na ang mga huling araw ay makikilala, hindi sa kapayapaan at katiwasayan, kundi sa kabaligtaran nito! Ayon sa kaniya, ang mga pangyayaring bumubuo sa tanda ng “katapusan ng sistema ng mga bagay” ay ang mga digmaan sa pagitan ng mga bansa, kakapusan sa pagkain, mga salot, at malalakas na lindol. (Mateo 24:3, 7; Lucas 21:10, 11; Apocalipsis 6:3-8) Sinabi rin ni Jesus: “Dahil sa paglago ng katampalasanan ang pag-ibig ng nakararami ay lalamig.”—Mateo 24:12.
Kitang-kita na nangyayari na ito, gaya ng inihula ng isa pang manunulat ng Bibliya. Mababasa natin sa 2 Timoteo 3:1-5 na walang iniisip ang maraming tao “sa mga huling araw” kundi ang kanilang sarili, pera, at kaluguran. Sila ay magiging mayabang at malupit. Lalamig ang pag-ibig ng pamilya, at ang mga anak ay magiging masuwayin sa kanilang magulang. Magiging pangkaraniwan ang pakitang-taong pagsamba.
Pinatutunayan ng tulad-unos na mga kalagayang iyon na ang sanlibutang ito ay nasa mga huling araw na. Pinatutunayan din nito na malapit nang mamahala ang Kaharian. Sa katunayan, tinitiyak pa ng isang hula ni Jesus tungkol sa mga huling araw: “Ang mabuting balitang ito ng kaharian ay ipangangaral sa buong tinatahanang lupa bilang patotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayon ay darating ang wakas.”—Mateo 24:14.
Ang mabuting balitang ito ay nagbababala sa masasamâ at nagbibigay naman ng pag-asa sa mga matuwid. Makatitiyak ang mga matuwid na ang ipinangakong pagpapalang ito ay malapit nang matupad. Gusto mo bang matuto pa nang higit tungkol sa mga pagpapalang ito? Kung oo, tingnan ang susunod na pahina ng magasing ito.