Bagong mga Miyembro ng Lupong Tagapamahala
Bagong mga Miyembro ng Lupong Tagapamahala
NOONG Sabado, Oktubre 2, 1999, ang Taunang Pulong ng Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania ay tinapos sa pamamagitan ng isang nakagugulat na patalastas. Ang 10,594 na dumalo o nakaugnay sa pamamagitan ng linya ng telepono ay tuwang-tuwa na marinig na apat na bagong mga miyembro ang idinagdag sa Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova. Ang bagong mga miyembro, na lahat ay pinahirang mga Kristiyano, ay sina Samuel F. Herd; M. Stephen Lett; Guy H. Pierce; at David H. Splane.
• Si Samuel Herd ay nagsimulang magpayunir noong 1958, at mula 1965 hanggang 1997, siya ay nasa gawaing pansirkito at pandistrito. Pagkatapos, sila ng kaniyang asawa, si Gloria, ay naging bahagi ng pamilyang Bethel sa Estados Unidos, kung saan si Kapatid na Herd ay nagtatrabaho sa Service Department. Siya ay naglilingkod din bilang katulong sa Service Committee.
• Si Stephen Lett ay nagsimulang magpayunir noong Disyembre 1966, at mula 1967 hanggang 1971, siya ay naglingkod sa Bethel sa Estados Unidos. Noong Oktubre 1971, pinakasalan niya ang kaniyang kabiyak, si Susan, at pumasok sa paglilingkurang special pioneer. Mula 1979 hanggang 1998, siya ay naglingkod bilang isang tagapangasiwa ng sirkito. Mula noong Abril 1998, sila ni Susan ay naging bahagi na ng pamilyang Bethel sa Estados Unidos. Doon ay nagtrabaho siya sa Service Department at naging katulong sa Teaching Committe.
• Si Guy Pierce ay nagpamilya at pagkatapos ay nagsimulang magpayunir kasama ang kaniyang asawa noong Abril 1982. Siya ay naglingkod bilang tagapangasiwa ng sirkito mula 1986 hanggang 1997, nang sila ng kaniyang asawa, si Penny, ay naging bahagi ng pamilyang Bethel sa Estados Unidos. Si Kapatid na Pierce ay naglilingkod bilang katulong sa Personnel Committee.
• Si David Splane ay nagsimulang magpayunir noong Setyembre 1963. Nagtapos sa ika-42 klase ng Gilead, siya ay naglingkod bilang misyonero sa Senegal, Aprika, at pagkatapos sa loob ng 19 na taon sa gawaing pansirkito sa Canada. Siya at ang kaniyang asawa, si Linda, ay nasa Bethel na sa Estados Unidos mula pa noong 1990, kung saan si Kapatid na Splane ay nagtrabaho sa Service at Writing department. Mula noong 1998, siya ay naging katulong na sa Writing Committee.
Karagdagan sa apat na bagong mga miyembro, ang Lupong Tagapamahala ay binubuo na ngayon nina C. W. Barber, J. E. Barr, M. G. Henschel, G. Lösch, T. Jaracz, K. F. Klein, A. D. Schroeder, L. A. Swingle, at D. Sydlik. Dalangin ng lahat na patuloy nawang pagpalain at palakasin ni Jehova ang Lupong Tagapamahala, na pinalaki ngayon, habang patuloy itong nangangasiwa sa mga gawain ng bayan ng Diyos sa palibot ng daigdig at paglingkuran ang kanilang espirituwal na mga kapakanan.