Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

“Nasumpungan Ko ang Lahat ng Kailangan Ko”

“Nasumpungan Ko ang Lahat ng Kailangan Ko”

“Nasumpungan Ko ang Lahat ng Kailangan Ko”

AYON sa isang report ng World Health Organization, tinataya na sa kasalukuyan ay mahigit sa 120 milyong tao sa buong daigdig ang apektado ng panlulumo. Taun-taon, isang milyong tao ang nagpapatiwakal at mga 10 hanggang 20 milyon ang nagtatangkang wakasan ang kanilang buhay. Ano ang maitutulong sa mga dumaranas ng panlulumo? Maaaring maibsan ng medikal na paggamot ang pagdurusa, at mahalaga ang emosyonal na suporta. Bukod dito, ang ilan na nakadarama ng gayon ay nakasusumpong ng karagdagang tulong sa praktikal at salig-Bibliyang mga publikasyon ng mga Saksi ni Jehova, gaya ng ipinakikita ng sumusunod na liham mula sa Pransiya.

“Hindi pa natatagalan, parang wala na akong makitang dahilan upang mabuhay pa. Nanalangin ako sa Diyos na hayaan na akong mamatay. Pakiramdam ko’y parang patay na ako. Palibhasa’y naghahanap ng patnubay, marubdob akong nanalangin kay Jehova. Ipinasiya ko ring basahin ang 2002 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova at natapos ko ito sa loob ng tatlong araw. Masasabi ko na ito’y lubhang nakapagpasigla sa akin at nakapagpatibay ng aking pananampalataya.

“Nagsaliksik ako sa mga magasing Bantayan at Gumising!, at gayon na lamang ang pagkagulat ko! Labinlimang taon ko nang regular na binabasa ang mga magasing ito, subalit hindi ko natanto na lubha palang nakapagpapatibay at nakapagpapasigla ang mga artikulo nito. Ang mga ito’y lipos ng pag-ibig​—isang katangian na bihirang-bihira sa mga panahong ito. Nasumpungan ko ang lahat ng kailangan ko.”

Sinasabi ng Bibliya: “Si Jehova ay malapit sa mga wasak ang puso; at yaong mga may espiritung nasisiil ay inililigtas niya.” (Awit 34:18) Walang alinlangan, lahat ng may ‘wasak na puso’ o “espiritung nasisiil” ay makasusumpong sa Bibliya ng pampatibay-loob at pag-asa sa hinaharap. Ang mga Saksi ni Jehova ay namamahagi ng salig-Bibliyang mga literatura upang tulungan ang mga nangangailangan na makinabang mula sa gayong kinasihan-ng-Diyos na pinagmumulan ng kaaliwan.