Para sa mga Kabataan
Nahulog sa Sariling Hukay!
Tagubilin: Gawin ito sa tahimik na lugar. Habang binabasa mo ang mga teksto, isipin mong naroroon ka. Ilarawan sa iyong isip ang eksena. Isipin mong naririnig mo sila. Damhin mo ang nadarama ng pangunahing mga tauhan. Isipin mong aktuwal na nangyayari ang ulat na ito.
PAG-ISIPAN ANG EKSENA.—BASAHIN ANG DANIEL 6:1-28.
Sa tingin mo, anong uri ng tao si Dario? Ano ang naiisip mong hitsura niya? Ano kaya ang tono ng boses niya nang magsalita siya? (Basahing muli ang mga talata 14, 16, 18-20.)
․․․․․
Ano ang hitsura ng yungib, at paano mo ilalarawan ang mga leon?
․․․․․
Sabihin kung ano ang naiisip mong nangyari mga ilang minuto matapos ihagis si Daniel sa yungib ng mga leon at isara ito.
․․․․․
PAG-ARALANG MABUTI.
Bakit nainggit kay Daniel ang mga opisyal ni Dario? (Basahing muli ang talata 3.)
․․․․․
Bakit pinili ni Daniel na manalangin kung saan nakikita siya ng lahat samantalang puwede naman niyang gawin ito nang palihim? (Basahing muli ang mga talata 10, 11.)
․․․․․
Bakit maaaring kalugud-lugod kay Dario ang iminungkahing batas tungkol sa pananalangin? (Basahing muli ang talata 7.)
․․․․․
GAMITIN ANG IYONG NATUTUHAN. ISULAT ANG IYONG NATUTUHAN TUNGKOL . . .
Sa pagpapakita ng lakas ng loob sa harap ng pagsalansang.
․․․․․
Sa kahalagahan ng panalangin.
․․․․․
Sa pag-iingat ni Jehova sa kaniyang tapat na mga lingkod.
․․․․․
ANONG BAHAGI NG KUWENTONG ITO NG BIBLIYA ANG PINAKAGUSTO MO, AT BAKIT?
․․․․․