Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Espesyal na Pahayag Pangmadla

Iisa Lang ba ang Tunay na Relihiyon Ayon sa Pangmalas ng Diyos?

Iisa Lang ba ang Tunay na Relihiyon Ayon sa Pangmalas ng Diyos?

Nakagisnan na ng karamihan sa mga tao ang kanilang relihiyon. Pumipili naman ng relihiyon ang iba kapag malaki na sila. Tiyak na maraming mapagpipiliang relihiyon. Marahil ay naitanong mo na, ‘Mahalaga ba kung ano ang aking relihiyon?’

Ang tanong na iyan ay sasagutin sa pahayag pangmadla na “Iisa Lang ba ang Tunay na Relihiyon Ayon sa Pangmalas ng Diyos?” Ang pahayag na ito na salig sa Bibliya ay bibigkasin sa buong daigdig sa mahigit 230 lupain. Sa karamihan ng mga lugar, mapapakinggan ang pahayag sa Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova sa Linggo, Abril 26, 2009. Malulugod ang mga Saksi sa inyong lugar na ipaalam sa iyo ang oras at adres. Malugod ka naming inaanyayahan.