Ang Mabuting Relihiyon ay May Pag-ibig sa Kapatid
“ANG hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Dios; sapagka’t ang Dios ay pag-ibig,” ang sabi ng Bibliya. (1 Juan 4:8, Ang Biblia) Kaya ang tunay na relihiyon ay dapat na may pag-ibig sa kapatid.
Kapuri-puri ang ginagawa ng maraming relihiyon sa pag-aalaga sa mga maysakit, may-edad, at mahihirap. Pinasisigla nila ang kanilang mga miyembro na sundin ang payo ni apostol Juan, na sumulat: “Kapag nakita ng sinumang may kaya sa buhay ang kanyang kapatid na nangangailangan, at hindi niya ito tinulungan, paano niya masasabing siya’y umiibig sa Diyos? Mga anak, huwag tayong umibig sa pamamagitan ng salita o wika lamang. Ipakita natin ang tunay na pag-ibig sa 1 Juan 3:17, 18, Magandang Balita Biblia.
pamamagitan ng gawa.”—Pero ano ang nangyayari kapag nakikipagdigma ang mga bansa? Ang utos ba ng Diyos na “ibigin mo ang iyong kapwa, gaya ng sarili mo” ay hindi na kailangang sundin kapag ipinasiya ng isang pulitiko o isang hari na makipagdigma sa ibang bansa?—Mateo 22:39, Ang Biblia—Bagong Salin sa Pilipino.
Sinabi ni Jesus: “Sa ganito’y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad, kung kayo’y may pag-ibig sa isa’t isa.” (Juan 13:35, Ang Biblia) Habang sinasagot mo ang sumusunod na mga tanong, tanungin ang iyong sarili, ‘Ang mga miyembro ba ng relihiyong ito ay nagpapakita ng pag-ibig sa lahat ng tao sa lahat ng panahon hindi lamang sa salita kundi pati sa gawa?’
PAKSA: Digmaan.
KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA: Inutusan ni Jesus ang kaniyang mga alagad: “Sinasabi ko sa inyo, ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, gawan ninyo ng mabuti ang mga napopoot sa inyo.”—Mateo 5:44, New Catholic Edition of the Holy Bible.
Nang arestuhin ng mga sundalo si Jesus, bumunot si apostol Pedro ng tabak upang ipagtanggol siya. Pero sinabi ni Jesus: “Ibalik mo ang iyong tabak sa lalagyan nito; ang gumagamit nga ng tabak ay sa tabak din mamamatay.”—Mateo 26:52, Biblia ng Sambayanang Pilipino.
Sumulat si apostol Juan: “Ito ang pagkikilanlan kung sino ang mga anak ng Dios at kung sino ang mga anak ng diyablo. Sinumang hindi gumagawa ng mabuti ay hindi anak ng Dios; gayon din ang hindi umiibig sa kanyang kapatid. Ito ang salitang narinig ninyo noon pang una: Mag-ibigan tayo sa isa’t isa. Huwag tayong tumulad kay Cain. Siya’y sa diyablo kaya pinatay ang kanyang kapatid.”—1 Juan 3:10-12, Ang Biblia—Bagong Salin sa Pilipino.
TANONG: Hinihimok ba ng relihiyong ito ang mga miyembro nito na makipagdigma?
PAKSA: Pulitika.
KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA: Pagkatapos makita ng ilan ang mga himalang ginawa ni Jesus, gusto nila siyang sumali sa pulitika. Ano ang ginawa niya? “Nang mahalata ni Jesus na sila ay lumalapit at pipilitin siyang kunin upang gawing hari, umalis siyang mag-isa at umahon sa bundok.”—Juan 6:15, Ang Biblia—Bagong Salin sa Pilipino.
Nang arestuhin si Jesus at paratangan ng paghihimagsik laban sa pamahalaan, sinabi niya: “Ang kaharian ko ay hindi sa sanglibutang ito: kung ang kaharian ko ay sa sanglibutang ito, ang aking mga alipin nga ay makikipagbaka, upang ako’y huwag maibigay sa mga Judio: nguni’t ngayo’y ang aking kaharian ay hindi rito.”—Juan 18:36, Ang Biblia.
Sa panalangin sa Diyos tungkol sa kaniyang mga alagad, sinabi ni Jesus: “Ibinigay ko sa kanila ang iyong salita; at kinapootan sila ng sanglibutan, sapagka’t hindi sila taga sanglibutan, gaya ko naman na hindi taga sanglibutan.”—Juan 17:14, Ang Biblia.
TANONG: Tinutularan ba ng relihiyong ito ang halimbawa ni Jesus at hindi nakikisali sa pulitika, kahit na kapootan pa nga ng ilang pulitiko ang mga miyembro nito?
PAKSA: Pagtatangi.
KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA: Nang maging Kristiyano ang unang di-tuling Gentil, sinabi ni apostol Pedro: “Ang Dios ay hindi nagtatangi ng tao. Tinatanggap niya ang tao sa lahat ng bansa, mga taong may takot sa kanya at gumagawa ng matuwid.”—Gawa 10:34, 35, Ang Biblia—Bagong Salin sa Pilipino.
Isinulat ni Santiago sa unang-siglong mga Kristiyano: “Mga kapatid, bilang mga mananampalataya sa dakilang Panginoong Jesu-Cristo, huwag kayong magtatangi ng sinuman. Halimbawang sa inyong pagtitipon ay may pumasok na magara ang kasuotan at nakasingsing ng ginto. Pagkatapos ay pumasok din ang isang dukhang gulanit ang damit. Kapag pinag-ukulan ninyo ng natatanging pagtanggap ang taong magara ang kasuotan at sinabi, ‘Eto po ang magandang upuan para sa inyo,’ at pagkatapos, sinabi ninyo sa gulanit ang damit, ‘Tumayo ka na lang diyan’ o kaya’y ‘Dito ka sa sahig maupo, sa may paanan ko,’ nagtangi na kayo at humatol na may masamang kaisipan.”—Santiago 2:1-4, Ang Biblia—Bagong Salin sa Pilipino.
TANONG: Itinuturo ba ng relihiyong ito na pantay-pantay ang lahat ng tao sa paningin ng Diyos at na ang mga miyembro nito ay hindi dapat magtangi ng sinuman dahil sa lahi o katayuan sa buhay?
Aling relihiyon ang nagtuturo sa mga miyembro nito na huwag magtangi ng tao dahil sa pulitika, lahi, at katayuan sa buhay?