Mga Leksiyon Ko sa Bibliya
PARA SA EDAD 3 PABABA
Umuulan.
“Hindi ako makalabas.
Kailan kaya ito hihinto?”
ang sabi ni Tomoko.
Pero aba!
Lumitaw ang araw.
Nawala ang ulan.
Si Tomoko’y sumaya!
Agad na tumakbo palabas si Tomoko,
sa kaniyang nakita,
tuwang-tuwa siya.
Kaya sinabi niya,
“Namumulaklak pala
ang mga halaman
kapag Diyos ay nagpaulan!”
TAGUBILIN SA MAGULANG
Ipaturo sa iyong anak:
-
Bintana
-
Tomoko
-
Bulaklak
-
Ibon
-
Puno
Hanapin.
-
Ladybug
-
Eroplano
Basahin ang Gawa 14:17. Bakit ginawa ni Jehova ang ulan?