Maghihintay Kami (Awit Para sa 2023 Kombensiyon)
I-download:
1. Dahil sa ganda ng iyong likha,
Pinupuri ka, Diyos namin at Ama.
Babaguhin mo ang buong mundo,
At matutupad ang kalooban mo.
(KORO)
O Diyos, kami’y dinggin. Aming hinihiling,
Sana’y lakas ibigay.
Laging maghihintay habang nabubuhay.
Ang ’yong pangako, O Diyos,
’Di mabibigo.
2. Ang mga patay, gigisingin mo.
Ang aming luha ay papahirin mo.
Dahil tunay ka at tapat na Diyos,
Jehova, kami’y maghihintay sa ’yo.
(KORO)
O Diyos, kami’y dinggin. Aming hinihiling,
Sana’y lakas ibigay.
Laging maghihintay habang nabubuhay.
Ang ’yong pangako, O Diyos,
’Di mabibigo.
3. Ang mga tapat ay inakay mo.
Ika’y naghintay na puso’y tumugon.
Dahil sa iyo—sa pag-ibig mo,
Pag-asa’t buhay ay ’yong ibinigay.
(KORO)
O Diyos, kami’y dinggin. Aming hinihiling,
Sana’y lakas ibigay.
Laging maghihintay habang nabubuhay.
Ang ’yong pangako, O Diyos,
’Di mabibigo.
O Diyos, kami’y dinggin mo.
(Tingnan din ang Col. 1:11.)