Huwag Hihinto
I-download:
1. Ang isip ko’y naliwanagan
Nang matutuhan ang katotohanan.
Mas napalapit at napamahal
Sa Diyos na Jehova na aking Ama.
(PAUNANG KORO)
Sa aking puso,
Siya lang ang susundin ko.
(KORO)
Sa katotohanan, maninindigan.
Ang Diyos ay paglilingkuran.
Ang bawat hadlang, makakayanan.
Siya lang ang pagtiwalaan.
’Wag tayong sumuko, ’wag hihinto.
2. May dapat gawin bawat isa.
Ibigin ang Diyos buong buhay niya.
’Wag magpadaya sa sanlibutan.
Ang lahat ng bagay, may katapusan.
(PAUNANG KORO)
Manalig ka lang
Sa kaniyang Kaharian.
(KORO)
Sa katotohanan, maninindigan.
Ang Diyos ay paglilingkuran.
Ang bawat hadlang, makakayanan.
Siya lang ang pagtiwalaan.
’Wag tayong sumuko, ’wag hihinto.
(KORO)
Sa katotohanan, maninindigan.
Ang Diyos ay paglilingkuran.
Ang bawat hadlang, makakayanan.
Siya lang ang pagtiwalaan.
’Wag tayong sumuko, ’wag hihinto.
’Wag hihinto.
’Wag hihinto.