Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Huwag Magmadali sa Pagpili

Huwag Magmadali sa Pagpili

I-download:

  1. 1. Minsan ang puso’y naghahanap,

    At nangangarap,

    Ng makakasama sa lungkot at sa ligaya.

    ’Wag isiping madali ito; ’di ito biro.

    Ang gawin ay tama; sa damdamin ay ’wag sanang magpadaya.

    (KORO)

    Maghintay, ’wag magmadali

    Sa pagpili.

    Puso mo’y ’wag hayaang manaig.

    Isip ang lagi mong sundin.

    Panahon ang tamang hintayin

    Sa pag-ibig.

  2. 2. Ang pagmamahal na hinahanap ko ay matagpuan sana;

    Ang kaligayahan na hinahangad ng puso.

    Patnubay ng Diyos laging susundin—

    Dapat unahin.

    Ang hinihintay ko ay isang tapat na katuwang sa akin.

    (KORO)

    Maghintay, ’wag magmadali

    Sa pagpili.

    Puso mo’y ’wag hayaang manaig.

    Isip ang lagi mong sundin.

    Panahon ang tamang hintayin

    Sa pag-ibig.

    Sa pag-ibig.