Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pamilya ni Jehova

Pamilya ni Jehova

I-download:

  1. 1. Kay tagal na hinahanap ko,

    Tunay na kaibigan na totoo’t tapat.

    ’Yan ang pinapangarap ng aking puso,

    Ang maramdamang ako’y minamahal.

  2. 2. Aking nalaman, natagpuan,

    Pagmamahal ni Jehova at ng pamilya niya.

    Ang pinapangarap ko noon pa man,

    Narito ngayon; ’di na ako nag-iisa.

    (BRIDGE)

    O kay saya ng aking buhay nang mahanap ko

    Kapatid, ama’t ina, sa bayan ng Diyos.

    Kahit sa’n man sa mundo, maaasahan mo.

    ’Di ka iiwan hanggang sa kailan pa man.

  3. 3. Sa pagpapala ng ating Diyos,

    Walang makakasira sa tunay na buklod

    Ng pag-ibig na ating nadarama—

    ’Di magbabago at hindi mabibigo.

    (BRIDGE)

    Kahit sa’n man sa mundo, maaasahan mo.

    ’Di ka iiwan, hanggang sa kailan pa man.

  4. 4. ’Di lang kaibigan ang mapapasa’yo.

    Pamilya ni Jehova ang mahahanap mo.

    Kung patuloy kang lalapit sa kaniya,

    Mabubuhay ka hanggang sa kailan pa man,

    Hanggang sa magpakailan pa man,

    Kailan man,

    Kailan man.